Ang Isolated ang unang horror-suspense movie ni Yassi Pressman.
Hindi itinanggi ng aktres na nahirapan siya nang gawin ang pelikula ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa Abril 30, 2025.
Ikinuwento ni Yassi ang mga pagsubok na kanyang naranasan sa media conference ng Isolated na naganap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ngayong Martes, Abril 8.
Read: Yassi Pressman kinatuwaan ng direktor ng gagawing pelikula
Saad niya: “Talagang na-challenge po ako physically, mentally, emotionally. Hindi po talaga ako nanonood ng horror films.
“Takot po talaga ako. Ang huling pelikula na pinanood ko po ay Insidious [2010] pa. Sobrang matagal na.
"Kaya nung pinitch po ito sa akin, natatakot ako na tanggapin, but I said, it’s a nice challenge.
“It’s an honor to be working with Tito Joel Torre, to be working with Direk Benedict [Mique].
"Grabe, as in kakaibang experience ko, kahit off-screen nakakatakot.”

YASSI PRESSMAN REUNION PROJECT WITH JOEL TORRE
Ang Isolated ang reunion project nina Yassi at Joel pagkatapos nilang magkasama sa FPJ's Ang Probinsyano, ang action-drama series ng ABS-CBN na nagwakas noong Agosto 2022.
Tuwang-tuwa si Yassi sa pagsasama nila sa pelikula ng isa sa mga beteranong aktor na hinahangaan at iginagalang niya.
“Honestly, I would just like to say I love working with you always, Tito Joel," sambit niya.
"Talagang blessing po talaga from Day 1 of working with someone like Tito Joel who’s so talented, respected, pero mabait.
“Open book, kahit ano po ang gusto ninyong itanong, puwedeng itanong sa kanya. He’s very welcoming with no walls.
"And for me, bilang artista, batang artista pa rin, siyempre ang sarap ho ng may mapagtatanungan ka.
“Titingin ako sa kanya, ‘O, Tito, kumusta ho ito?’"
Patuloy ni Yassi: “Nakakatawa po kasi kahit matagal po kaming magkasama [sa Ang Probinsyano].
"Yung first sequence po namin sa Isolated, sobra pa rin po akong kinabahan.
“Sobra akong kinakabahan. Sabi ko, ‘Tito Joel, nai-starstruck pa rin po ako.’
“Ang tawag ko po sa kanya sa Ang Probinsyano, ‘Tay,' e.
"Sa Isolated, different dynamics po talaga.”
Gulat na gulat naman daw si Yassi sa kakaibang kuwento ng Isolated.
“Saka grabe po talaga ang script nito, paikut-ikot, nakakagulat,” sabi ni Yassi.
“So ako, talagang I tried to take him away sa pagiging tatay ko. Pero yung Joel Torre na superstar, nandiyan pa rin.
“Tapos after noon, wala. It’s a very, very relaxed set. Relaxed set for everybody, sa totoo lang po.
“Ang script lang po talaga ang hindi relaxed, saka ako. Kabado po ako palagi.
"But one of the easiest and hardest that I’ve done is Isolated because of Tito Joel.
"Nasasandalan ko palagi, sobrang galing din ng co-actors ko, everyone."
Read: Yassi Pressman nahirapang makipag-communicate sa Korean co-stars sa The Guardian