PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz, may paandar sa special tribute niya kay Lav Diaz

John Lloyd, may pinarinig na voice recording bago nagbigay-pugay kay Lav.
by Jojo Gabinete
Published Apr 12, 2025
John Lloyd Cruz gives special tribute to director and friend Lav Diaz
John Lloyd Cruz on how Lav Diaz shaped how he looks at filmmaking: "Hindi matutumbasan yung ginhawa na naidulot ninyo dahil puwede pala yung ganoong klase ng trabaho. Puwede pala yung ganoong paghahayag na walang panghuhusga, walang grading system." Seen with John Lloyd on the right photo are Lav Diaz and FDCP Chair Joey Reyes.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang award-winning at internationally renowned Filipino director na si Lav Diaz ang isa sa mga tumanggap ng Lifetime Achievement Award sa 3rd Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ginanap ito noong Biyernes ng gabi, Abril 11, 2025, sa Seda Hotel Vertis North, Quezon City.

Ang reclusive actor na si John Lloyd Cruz ang nagpakilala sa pararangalan na direktor.

Nakatrabaho ni John Lloyd si Diaz sa mga pelikula na Hele sa Hiwagang Hapis (2016), Ang Babaeng Humayo (2016), Historya ni Ha (2021), Kapag Wala Nang Mga Alon (2022), at Isang Salaysay ng Karahasang Pilipino (2022), at Essential Truths of The Lake (2023).

Marami ang nasorpresa sa pagdalo ni John Lloyd sa 3rd Parangal ng Sining dahil mahirap mapansin ang kanyang pagdating.

Nakasuot siya ng itim na sumbero, eyeglasses, at facemask.

Nang umakyat si John Lloyd sa entablado, inilabas niya ang cellphone, itinapat ito sa microphone, at ipinarinig sa mga bisita ang kanyang recorded voice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga hindi nakaunawa sa ginawa ni John Lloyd, pero malinaw na pagbibigay-pugay kay Diaz ang kanyang kakaiba na pagpapakilala sa veteran director.

Sabi ni John Lloyd, "Kaunti na lang kayong natitira, kaya sa maliit na paraan kung paano ko kayo mapagbibigyan ng pagpapahalaga sana makarating sa inyo.

"Sana maramdaman ninyo, sana walang salitang tumapat. Maraming-maraming salamat.

"Maraming salamat dumating ka sa buhay ko. Salamat tinulungan mo ako."

Tumagal ng ilang minuto ang recorded message ni John Lloyd.

Read: Four-hour movie ni Lav Diaz, palabas na sa local theaters

JOHN LLOYD CRUZ MORE PRAISES FOR LAV DIAZ

Matapos iparinig ito, nagsalita na si John Lloyd at sinabi sa audience: "For the record lang po, ipinagpaalam ko po yon.

"Sabi nila, meron akong two to three minutes. Hindi po ako nang-aabuso. I just don’t want take it for granted."

Sa puntong ito ay nagpasalamat ulit si John Lloyd kay Diaz.

"Today is your day, Lav, at araw din ito ng cinema. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan idinulot mo, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng nakasalamuha mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Direk, maraming-maraming salamat. Mula sa amin ni Elias. Hindi ko alam kung..."

Nabitin ang sasabihin ni John Lloyd bago siya nagpatuloy sa kanyang mensahe kay Diaz.

"Sinubukan ko po, Direk, pero tingin ko, yung tunay kong pasasalamat, hindi ko alam, sana makarating sa yo.

"Hindi man ngayon, sana Direk, sa panahon na talagang mangyayari sa yo, Direk, na maramdaman ninyo yung pasasalamat namin."

Read: FDCP 3rd Parangal ng Sining awardees announced

JOHN LLOYD CRUZ PREFERS TO DO FILMS WITH LAV DIAZ

Ipinunto rin ni John Lloyd ang paghanga niya kay Diaz, na humuhulma ng mga pelikulang hindi kinakailangang umangkla sa nakagawian ng manonood.

Ito ang nagustuhan ni John Lloyd, na ang huling pelikulang ginawa na iprinodyus ng isang big-budget company ay ang Finally Found Someone (2017).

Iprinodyus iyon ng Star Cinema, ang talent management arm ng ABS-CBN, na dating home network ni John Lloyd.

Nag-hiatus si John Lloyd mula 2017 hanggang 2019. May special participation siya sa Culion, na 2019 Metro Manila Film Festival entry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula noon ay mas tinutukan niya ang paggawa ng mga pelikula kasama si Diaz, liban sa short stint niya sa TV sitcom na Happy Together (December 2021-August 2023).

Read: Paolo Contis, weekly ka-bonding sina John Lloyd at Patrick

JOHN LLOYD CRUZ ON LAV DIAZ'S INFLUENCE TO HIM

Sa huli, sabi ni John Lloyd: "Alam ko ayaw ni Direk yung mga ganitong awarding-awarding.

"Pero Direk, malaki po yung naidudulot na kabutihan saka pagtulong, pag-reach out ninyo dun sa mga unlikely na makaunawa ng sining na ginagawa ninyo.

"Kung gaano ka… Hindi matutumbasan yung ginhawa na naidulot ninyo dahil puwede pala yung ganoong klase ng trabaho.

"Puwede pala yung ganoong paghahayag na walang panghuhusga, walang grading system.

"Sabi nga ni Elias, 'I am bored with school Dada.' Anyway, I said too much. Nag-text na yung anak ko, tama na daw.

"I give the floor to the one and the only, one of my heroes, Direk Lav, Lav Diaz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Elias ang anim na taon na anak ni John Lloyd sa dating karelasyon nito na si Ellen Adarna.

Marami ang napaisip sa pagbanggit ni John Lloyd kay Elias, pero malinaw sa mga salita binitiwan niya ang malaking impluwensya sa kanya ni Diaz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on how Lav Diaz shaped how he looks at filmmaking: "Hindi matutumbasan yung ginhawa na naidulot ninyo dahil puwede pala yung ganoong klase ng trabaho. Puwede pala yung ganoong paghahayag na walang panghuhusga, walang grading system." Seen with John Lloyd on the right photo are Lav Diaz and FDCP Chair Joey Reyes.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results