PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel Soriano, hirap makalakad dahil sa sakit na ito

Maricel Soriano: "Matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad."
by Jojo Gabinete
Published Apr 12, 2025
Maricel Soriano explains she has arthritis in her spine to neck
Maricel Soriano on her arthritis: "Ito namang sakit na ito, gumagaling naman ito. Actually, ang sabi nga, 'Magpa-opera ka na para matapos na iyang sakit na yan.'"
PHOTO/S: Nice Print Photo

Marami ang nag-alala para sa kalusugan ni Maricel Soriano dahil hirap ito sa paglalakad.

Kaya may mga umaakay sa kanya nang magdiwang siya ng ika-60 na kaarawan noong Abril 8, 2025 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Pebrero 25 ang aktuwal na petsa ng kapanganakan ni Maricel.

Pero noong nakaraang Martes lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagdiwang sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Maricel Soriano celebrates birthday with friends including Sylvia Sanchez and Cesar Montano
Maricel Soriano celebrates birthday with friends including Sylvia Sanchez and Cesar Montano.
Photo/s: Nice Print Photo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Judy Ann Santos amazed by Gladys Reyes's beauty secret: calamansi

MARICEL SORIANO HAS ARTHRITIS ON SPINE AND NECK

Nabahala ang mga tagahanga ni Maricel sa kalagayan ng kalusugan nito at ngayong Sabado, Abril 12, sinagot niya ang mga katanungan.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube Channel, ipinaliwanag ni Maricel sa publiko ang karamdaman niya.

"Yung spine ko, may arthritis, hanggang leeg ko. Tapos, yung first, na-experience ko ito, in-injectionan ako sa likod.

"Tapos yung sumunod dahil hindi pa nawawala yung pain kasi sa side lang, e.

"So ang ginawa nila, mismong sa spine nila ako sinaksakan ng steroid, tapos matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad.

"Tsaka yung paa ko, ang liit ng paa ko, manhid. Parang may mga karayom na tumutusok.

"On top of it, may pinched nerve ako," ang kuwento ni Maricel.

Read: Raymond Lauchengco admits short-lived relationship with Dawn

MARICEL SORIANO ON TREATMENT OPTIONS

Aniya, hereditary ang kanyang karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit anong gawin ko, talagan magiging ganyan at ganyan. Magiging kagaya ni Mama Bec ako," tukoy niya sa kanyang kapatid.

"Ito namang sakit na ito, gumagaling naman ito. Actually, ang sabi nga, 'Magpa-opera ka na para matapos na iyang sakit na yan.'

"Pupunta tayo doon, pero kasi tinitingnan namin lahat ng way kung papaano para hindi nga surgery ang mangyari sana, kasi ayoko.

"Siyempre, nakatikim na ako ng caesarian, di ba? An operation is not a joke, di ba?

"That’s why ako, parang gusto ko rin, ma-introduce din ako dun sa ibang anggulo para gumaling ako. Saka kaya ko ito," paniniguro ni Maricel, na sapat na dahilan para hindi na mabahala ang kanyang mga taga-hanga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano on her arthritis: "Ito namang sakit na ito, gumagaling naman ito. Actually, ang sabi nga, 'Magpa-opera ka na para matapos na iyang sakit na yan.'"
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results