PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos, inalala ang mga kasama sa simula ng career

Judy Ann Santos, special mention sina Alfie Lorenzo at Jess Osida.
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2025
FDCP's 3rd Parangal Ng Sining hails Judy Ann Santos with Annual Achievement Award.
Judy Ann Santos is commended with Annual Achievement Award at 3rd Parangal ng Sining of Film Development Council of The Philippines..
PHOTO/S: FDCP

Isa si Judy Ann Santos sa mga tumanggap ng Annual Achievement Award sa 3rd Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ginanap ang event noong Abril 11, 2025, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

Read: Judy Ann Santos, best actress sa Fantasporto 2025

Pinarangalan si Judy Ann ng FDCP dahil sa kanyang tagumpay sa 45th Fantasporto International Film Festival, na idinaos mula Pebrero 28 hanggang Marso 8, 2025 sa Batalha Centro De Cinema, Porto, Portugal.

Si Judy Ann ang tinanghal na best actress sa international film festival para sa kanyang mahusay na pagganap sa Espantaho.

Pero hindi siya nakadalo sa awarding ceremony ng FDCP dahil nagpunta sila ng kanyang pamilya sa Hong Kong.

Read: Judy Ann Santos reveals convo with ABS-CBN exec about her new non-Kapamilya series

JUDY ANN SANTOS AWARD ACCEPTED BY FDCP CHAIR

Si FDCP Chair at CEO Jose Javier Reyes ang tumanggap ng parangal para kay Judy Ann, at siya ang nagpaliwanag tungkol sa hindi pagsipot ng aktres sa 3rd Parangal ng Sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siya ay isang ina na ngayon ay nasa Hong Kong dahil kasama niya ang buong pamilya, dahil ang kanyang anak na si Lucho ay naglalaro ng soccer.

"At hindi niya palalampasin itong pagkakataong ito, katunayan ang kanyang kahalagahan bilang taga-suporta ng kanyang anak," pahayag ni Reyes.

Hindi man nakadalo si Judy Ann, isang video recorded message mula sa kanya ang ipinakita.

Pinasalamatan ni Judy Ann ang lahat ng mga taong tumulong sa kanya kaya natupad ang pangarap niya na maging aktres.

Kabilang sa mga hindi nakaligtaan ni Judy Ann na pasalamatan ang retired talent coordinator na si Jess Osida, na nakatuklas sa kanya at ang pumanaw na manager niya na si Alfie Lorenzo.

Patunay ito na hindi nakalilimot at marunong tumanaw ng utang na loob ang award-winning actress.

Read: Jeffrey Santos hopes to do "brutal, but accepted" action scenes

JUDY ANN SANTOS MESSAGE FOR FDCP AWARD

Ito ang kabuuan ng video recorded acceptance speech ni Judy Ann sa 3rd Parangal ng Sining ng FDCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko pong magpasalamat sa bumubuo ng FDCP. Thank you very, very, very much for recognizing my work sa pagbibigay sa akin ng Annual Achievement Award.

"Hindi naman po ito mangyayari kung hindi naman din talaga deserve.

"Maraming tao na kasama ko sa industriyang ito mula 8-years old ako hanggang ngayon.

"Yes, halos apat na dekada na po ako sa industriyang kinalakihan at minahal ko, kaya siguro dapat lang at nararapat na pasalamatan ko ang bawat isang tao na nakasama ko mula Ula hanggang Mara Clara hanggang Esperanza.

"To my ABS-CBN family, sa mga manager na nakasama ko, Tito Jess, and Tito Alfie.

"Hindi ako mabubuo ng ganito kung hindi [dahil] sa tiwala at pagmamahal ng bawat direktor, bawat producer, at bawat writer na nagtitiwala, nagampanan ko ang mga karakter na isinusulat nila para sa akin.

"Maraming salamat sa pagbuo ninyo sa karera ko.

"My apologies for not being able to accept this award personally. Ibig sabihin, marami pang dahilan at paraan para mangyari ito uli sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Thank you again, and you have just given me more inspiration and more reason para mahalin ko pa nang todo-todo itong industriyang ito."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos is commended with Annual Achievement Award at 3rd Parangal ng Sining of Film Development Council of The Philippines..
PHOTO/S: FDCP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results