Pitong taon nang naglingkod, mula Marso 2008 hanggang Disyembre 2015, bilang presidente ng ABS-CBN ang multi-awarded actress at exceptional television executive na si Charo Santos-Concio.
Read: Charo Santos Concio reflects on her career as she celebrates 65th birthday
Pero minsan na nitong naranasang hindi papasukin ng guwardya sa ABS-CBN noong teenager pa siya.
Ikinuwento ni Charo ang karanasan nang tanggapin niya noong Abril 11, 2025 ang Lifetime Achievement Award mula sa ikatlong Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Kinilala ng FDCP ang kanyang mga kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Tulad ng magbabalik-telebisyong drama anthology na Maalaala Mo Kaya, sinariwa ni Charo ang mga karanasang humubog sa kanyang pagkatao.
"Konting paglingon po sa aking nakaraan. It wasn’t too long ago when I was a little girl in Calapan, Mindoro, nakikinig ng mga drama sa radyo sa aking small Avegon transistor radio.
"Naghihintay sa tindahan for the latest issue of Liwayway at mga iba pang komiks,” umpisang paglalahad ni Charo.
"Kapag nagbabakasyon po kami dito sa Maynila, I attempted to enter the gates of ABS-CBN para makapanood ng Oras ng Ligaya at D’ Sensations.
"Hindi po ako pinapasok ng guard.
"Nung nakarating na kami sa Manila, the family moved to Manila, nilulusong ko po ang Recto, kahit baha, para lang makapanood ng mga pelikula ni FPJ, ni Guy & Pip at ng napakarami ko pang paboritong artista."
Ang tinukoy niyang "FPJ" ay ang pumanaw na King of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr. Ang sinabi niyang "Guy & Pip" ay ang sikat na tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.
"Yan po, lahat, pinagdaanan ko, katulad ng napakaraming Pilipino. Isa po akong dakilang movie fan.
"Before I went to filmmaking, I was a member of the audience," kuwento pa ni Charo.
Read: The important lesson Charo Santos learned from her modeling days
CHARO SANTOS-CONCIO FIRST FILM
Walang mag-aakalang darating ang panahong siya ang mamamahala sa ABS-CBN at gagawa ng mga palabas sa telebisyon at sinehan.
Iginuhit ng tadhana na maging bahagi si Charo ng Philippine entertainment industry dahil bida agad siya sa unang pelikula niya, ang Itim.
Ipinalabas iyon sa mga sinehan noong 1976, at nagbigay sa kanya ng parangal na pinakamahusay na aktres sa Asian Film Festival noong 1978.
"From being a member of the audience, naging bahagi na po ako ng paggawa ng pelikula.
"And after Itim, my destiny has been set.
"Buong buhay ko po, naging bahagi na ako ng pelikulang Pilipino.
"Napakasuwerte ko po that I experienced the entire realm of Philippine cinema—from the art movies of the experimental cinema of the Philippines to the mainstream of Regal Films.
"From the big-budgeted films of Bancom Audiovision to the small indie films including my own Vision Films, until I joined television and I started Star Cinema.
"So, napakalawak po ng aking naging karanasan sa sining ng pelikula," ang sabi ni Charo na nagsisilbing inspirasyon sa karamihan.
Read: Charo Santos-Concio, minanifest ang pagbabalik ng MMK
CHARO SANTOS-CONCIO THANKS MENTORS
Nais daw niyang pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta at nakatulong sa kanya, pero napakarami kung iisa-isahin niya.
"Napakarami ko pong dapat pasalamatan. Nagsisimula sa aking ama, na dina-dissect ang mga pelikulang pinapanood namin tuwing Sabado ng aking mga kapatid.
"To the late Lino Brocka, who introduced me to Mike de Leon, my first director.
"Of course, to Mother Lily, to my boss, Gabby Lopez who prodded me to go back into filmmaking after I joined television.
"To my film collaborators, my sister Malou Santos and Olive Lamasan.
"Actually, napakarami po nila, too many to mention.
"Maraming, maraming, maraming salamat po," ang mensahe ni Charo.
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang FDCP at ang kanyang pamilya.
"Thank you very much Direk Joey, my classmate, and the proponents of film in the FDCP for this parangal. Maraming-maraming salamat po."
"To my sons, Francis and Martin, thank you very much for your understanding, your love and support.
"This honor, I shared with you and, of course, with your dad.
"I will not be here standing right now if the three of you did not allow me to fly so thank you very much."
Ang tinukoy niyang Direk Joey ay si Jose Javier Reyes, chair ng FDCP.