PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas, deadma sa "chinita mistress" ni Gerald Sibayan

Ai-Ai on marriage with Gerald: "Closed chapter na siya para sa akin."
by Jojo Gabinete
Published Apr 16, 2025
Ai-Ai delas Alas, deadma sa "chinita mistress" ni Gerald Sibayan.
Ai-Ai delas Alas on estranged husband Gerald Sibayan: "Hindi na ako interesado na makilala pa ang mystery mistress niya."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram

Naging Marites Santo ang Martes Santo para kay Ai-Ai delas Alas noong April 15, 2025.

Ito ay dahil sa mga Pilipinong naninirahan sa Amerika na nagpadala sa kanya ng mga mensahe tungkol sa bagong "sighting" sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.

Read: Ai-Ai, ipinaliwanag bakit binawi ang petition para kay Gerald

Muling nakitang may babaeng kasama si Gerald sa isang Filipino supermarket sa Union City, California.

Sinabi ni Ai-Ai sa Cabinet Files na hindi na siya nagpapaapekto sa mga impormasyon tungkol kay Gerald.

Aniya, ang pagbawi niya sa petisyon para magkaroon ng Green Card ang estranged husband ang hudyat na closed chapter na ang lahat para sa kanilang dalawa.

"Naa-appreciate ko naman ang mga concern nila sa akin, pero nag-move on na ako at closed chapter na siya para sa akin.

"At least, napatunayan ko na totoo ang hinala ko na may mistress siya kaya iniwanan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May mga kakilala ako kasi ako na hindi naniniwala sa duda ko, pero sila mismo ang nakakita kay Gerald at sa mistress niya.

"Ang tagal-tagal ko nang sinasabing merong mistress si Gerald, ayaw nila maniwala," ang pahayag ni Ai-Ai sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files noong Martes ng gabi.

Read: Ai-Ai delas Alas posts about a “cheater” buying a ring

AI-AI DELAS ALAS ON WHAT GERALD'S "MISTRESS" LOOKS LIKE

Matangkad, mahaba ang buhok, at chinita ang pagsasalarawan sa babaeng kasama at hawak ni Gerald sa beywang.

Nangako ang mga nakakakita sa kanila na sa susunod, titiyakin nilang makukunan ng litrato ang couple para makilala na ang pagkatao ng karelasyon ng estranged husband niya.

"Hindi na ako interesado na makilala pa ang mystery mistress niya," diin ni Ai-Ai.

Naghihintay na lamang si Ai-Ai ng desisyon tungkol sa diborsyo na inihain niya para mapawalang-bisa na ang kasal nila ni Gerald.

"Tulad nang sinabi ko, closed chapter na siya sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tama na yung napatunayan ko na totoo ang hinala ko na may mistress siya na dating ayaw paniwalaan ng mga kakilala ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on estranged husband Gerald Sibayan: "Hindi na ako interesado na makilala pa ang mystery mistress niya."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results