Hindi naging mahirap para sa international shoe designer na si Jojo Bragais na hanapin si Bernadeth Flores Cutas dahil ito mismo ang nakipag-ugnayan sa kanya noong Miyerkules Santo, Abril 16, 2025.
Read: Mga tela ng damit na dapat isuot kapag tag-init
Si Cutas ang babae sa viral video na dumalo sa graduation day ng kanyang anak na babae at nakuha ang atensyon ng netizens dahil sa revealing outfit niya.
Tumanggap si Cutas ng mga batikos mula sa netizens na nagsabing hindi nababagay sa okasyon ang kasuotan niya at hindi ito magandang halimbawa sa mga maliliit na bata.
Pero may mga nagtatanggol naman sa kanya.
Ipinaliwanag ng mga nakakakilala kay Cutas na normal sa kanya ang manamit ng seksi kaya hindi nila ikinagulat ang kasuotan niya sa dinaluhan na graduation ceremony.
Para sa mga tagasuporta ni Cutas, ipinagbubunyi lamang nito ang pagiging ina at babae sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na gusto niya at komportable siya.
May mga nagpayo kay Cutas na huwag intindihin at huwag magpaapekto sa mga batikos dahil bagay sa kanya ang sexy white gown na ginamit sa graduation march nila ng anak niya.

Read: What happens if you eat two eggs a day?
FASHIONISTA MOM AND JOJO BRAGAIS VIDEO CALL
Napanood ni Bragais ang viral video ni Cutas at natuwa siya kaya nanawagan siya sa kanyang Facebook page.
"Mukhang magandang gawan ng high fashion shoot to sya! Help me find her," ang panawagan ni Bragais na nilagyan nito ng hashtag "#verymowdel."
Sa tulong ng netizens na humahanga sa kumpiyansa ni Cutas sa sarili, nakarating agad sa kanya ang mensahe ni Bragais.
Ngayong gabi ay nagkaroon sila ng personal na komunikasyon, gamit ang Facebook Messenger, kaya malaki ang posibilidad na matuloy ang high fashion shoot na nais mangyari ng popular shoe designer.
Read: True Cross of Jesus relics displayed in Manila and Tarlac
DUMAMI FOLLOWERS NI FASHIONISTA MOM
Nakatanggap ng mga papuri si Bragais dahil sa pagpapahalaga niya kay Cutas na nagpasalamat, hindi lamang sa mga supporter niya.
Pinasalamatan din ni Cutas ang bashers niya na malaki ang ambag kaya nag-trend at nag-viral ang kanyang pagdalo sa araw ng pagtatapos ng anak niya.
Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 341,000 ang followers niya sa Facebook.