PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

National Artist Nora Aunor, inaasahang gagawaran ng state funeral

Tatlong reyna ng Philippine entertainment industry ang pumanaw ngayong 2025.
by Jojo Gabinete
Published Apr 17, 2025
National Artist Nora Aunor, inaasahang gagawaran ng state funeral.
National Artist Nora Aunor inaasahang mabigyan ng state funeral, base sa probisyon ng Presidential Decree No. 208 ng 1973.
PHOTO/S: Ian de Leon Facebook

Hindi pa naglalabas ang naulilang pamilya ng mga detalye tungkol sa burol at lamay para sa mga labi ni Nora Aunor.

Kilala si Nora bilang "Superstar" at isang National Artist for Film and Broadcast Arts.

Read: National Artist Nora Aunor dead at 71

Binawian siya ng buhay noong Miyerkules Santo, Abril 16, 2025.

Pero isang bagay ang sigurado, ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

NORA AUNOR AND PRIVILEGES AS NATIONAL ARTIST

Tiyak ding magkakaroon ng state funeral para kay Nora na gagastusan ng pamahalaan, sa bisa ng Presidential Decree No. 208, na nilagdaan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos noong Hunyo 7, 1973.

Ang PD No. 208 ay may titulong "GRANTING CERTAIN PRIVILEGES AND HONORS TO NATIONAL ARTISTS AND CREATING A SPECIAL FUND FOR THE PURPOSE."

Ang mga nakapaloob na probisyon:

"1. A cash award of ten thousand pesos (P10,000) upon conferment of the award and decoration of National Artist;

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"2. A life pension of two thousand pesos (P2,000) payable monthly;

"3. Medical and hospitalization benefits;

"4. Coverage by a lifetime insurance policy in the amount of fifty thousand pesos (P50,000) by the Government Service Insurance System and/or private insurance companies from date of conferment of the award, in the event the National Artist is insurable, the premiums for which shall be paid by the National Government or by donation from any governmental or private entities;

"5. A place of honor in state functions, national commemoration ceremonies and all other cultural presentations; and

"6. A state funeral, the arrangements for and the expenses of which shall be borne by the Government, upon the death of the National Artist."

Si dating Pangulo Rodrigo Duterte ang nag-aprubang maging National Artist for Film and Broadcast Arts si Nora, sa bisa naman ng Proclamation No. 1390, na nilagdaan ng Pangulo bago siya bumaba mula sa puwesto noong Hunyo 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Watch: Nora Aunor reunited with five kids on 70th birthday | PEP Exclusives

NATIONAL ARTIST GIVEN A STATE FUNERAL

Nang mamatay noong Enero 2022 ang National Artist for Literature na si Francisco Sionil Jose, inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani.

At sa pamamagitan ng Proclamation No.1288, ipinag-utos ng noo'y Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng Araw ng Pagluluksa o Day of National Mourning.

Inilagay din ang pambansang watawat sa kalahating palo, o half-mast, mula pagsikat at paglubog ng araw sa lahat ng gusali ng pamahalaan sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.

At dahil isang Pambansang Alagad ng Sining si Nora, inaasahang ipag-uutos ni President Ferdinand Marcos, Jr. na ibigay rin sa pumanaw na aktres ang mga karapat-dapat na parangal at mataas na paggalang dahil sa mga kontribusyon nito sa industriya ng lokal na aliwan.

Read: Nora Aunor, umatras sa kandidatura sa 2025 elections

DEATH OF ICONS IN SHOWBIZ

Marami ang nabigla at hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Nora sa edad na 71.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Totoo ba iyan?" ang tanong ng mga tagahangang nabigla at in denial sa inilabas na ulat. Hindi sila masisisi dahil talamak ang pagkalat ng fake news.

May mga nalungkot para kay Janine Gutierrez dahil sa magkasunod na pagkawala ng kanyang mga lola.

Una, ang lola niya sa ama na si Pilita Corrales, na binawian ng buhay nitong Abril 12, 2025; at sumunod ang lola niya sa ina na si Nora, na namayapa nitong Abril 17.

Read: Pilita Corrales, Asia's Queen of Songs, dies at 87

Si Pilita ang Asia’s Queen of Songs at siya ang pinakasikat na mang-aawit noong dekada ’60, hanggang pumasok sa Philippine entertainment industry si Nora na namayagpag ang singing at acting career mula dekada ’70 hanggang sa bawian siya ng buhay.

Tatlo sa mga itinuturing na reyna ng Philippine entertainment industry ang nagpaalam ngayong 2025—sina Pilita, Nora, at Gloria Romero.

Si Gloria ay binawian ng buhay noong Enero 25, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91

Tunay na malulungkot ang pagkawala nila dahil ito ay hudyat ng end of an era.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Nora Aunor inaasahang mabigyan ng state funeral, base sa probisyon ng Presidential Decree No. 208 ng 1973.
PHOTO/S: Ian de Leon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results