Ang mahirap mapantayang kasikatan ni Nora Aunor ang dahilan kaya nagkaroon noong 1973 ng Nora Aunor dolls.
Isa ang aming kapatid na si Olive Mendoza sa nagmamay-ari ng manika ng superstar.
Hindi maipagkakaila na inihulma sa mukha ni Nora ang manika dahil sa nunal sa kanyang kaliwang pisngi at mga mata na hugis at tatak Nora.
Nakasulat sa likod ng ulo ng manika ang pangalan na Nora Aunor bilang pagkakakilanlan.
NORA AUNOR'S MEETING WITH BOSS TOYO
Pero walang pahintulot ng aktres ang paglalabas ng Nora Aunor dolls.
Nakumpirma ito noong Oktubre 2024 nang magpunta siya sa shop ng content creator at collector na si Jayson Luzadas, o mas kilala sa tawag na Boss Toyo.
Nagrehistro sa mukha ni Nora ang pagkagulat nang makita nito ang mga manika.
"Ay, kanino po kayo nagpaalam?" tanong ni Nora kay Boss Toyo nang masilayan niya ang mga naka-display na Nora Aunor dolls.
"Ibinenta po ito ng kolektor sa amin. Actually, madami po kayong laruan, Ma’am, sa market," sagot ni Boss Toyo.
Usisa pa no Nora, "Sino po yung kolektor? Hindi po nagpaalam, e."
Balik tanong ni Boss Toyo, "Saan po ba ito nanggaling? Gawa po ito sa Pilipinas, e."
Sagot ni Nora, "Hindi ko alam. Oo nga po [gawa sa Pilipinas], pero hindi nagpaalam."
Ikinabigla ni Boss Toyo nang mapagtanto nitong walang permiso ng aktres ang mga inilabas na Nora Aunor dolls noong 1973.
Read: Ian de Leon denies operation caused Nora Aunor’s death
COST OF NORA AUNOR DOLLS
May mga nagpapatunay na marami ang yumaman noon nang dahil kay Nora.
Sila ang mga taong inabuso ang kabaitan ng aktres na ginamit nila sa kanilang mga negosyo nang walang pahintulot.
Ayon sa isang toy collector, ibinebenta noon mula PHP4,000 hanggang PHP60,000 ang vintage Nora Aunor dolls.
At sa pagpanaw ng aktres, tiyak na maipagbibili sa mas mataas na halaga ang mga manika na hango sa kaanyuan ni Nora.
Pero illegal pala ang mga ito dahil hindi hiningi noon ng toy manufacturer ang kanyang permiso.