Ang paglalaro nila ni Nora Aunor ng patintero ang isa sa mga hindi malilimutang karanasan ni June Torrejon-Rufino, senior vice president ng Viva Communications at head ng Viva Films department.
Taong 1974 yun.
Personal secretary ni Nora si June, na siya ring line producer ng Tatlong Taong Walang Diyos, isang period movie ng NV Productions, ang film outfit na pag-aari ng aktres na binansagang Superstar ng Philippine Entertainment industry.

Read: Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen
NORA AUNOR PLAYED PATINTERO
Dahil sa kasikatan noon ni Nora, hindi normal ang takbo ng kanyang buhay.
Dinudumog at pinagkakaguluhan siya ng mga tao sa lahat ng lugar na pinupuntahan nito.
Pero sa kabila ng kanyang superstar status, kapag may pagkakataon, pinilit ni Nora na magkaroon ng ordinaryong buhay.
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, pagsapit ng madaling araw, niyayaya niya si June at ang mga co-stars at staff ng NV Productions na maglaro ng patintero, isang larong Pinoy kung saan kelangang malampasan ng runners ang rectangular grid nang hindi natatapik ng tagger.
Habang natutulog ang mga tao, enjoy na naglalaro ang mga sikat na artista sa Majayjay, Laguna.
Kadalasan, ang team nina Nora at June ang nananalo sa patintero dahil sa kanilang petite frame at liksi.

Nagkakapikunan pa raw noon ang aktres at si Christopher de Leon na kalaban ng kanilang grupo at leading man niya sa Tatlong Taong Walang Diyos.
Read: Christopher de Leon, Lotlot de Leon, John Rendez sa burol ni Nora
Ipinalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 19, 1976, ang pelikulang nagtatampok kina Nora, Christopher, at Bembol Roco.
Itinuturing itong isa sa mga pinakamagandang proyektong pinagbidahan ng aktres, na kinilalang National Artist for Film and Broadcast Arts noong Hunyo 2022.
JUNE TORREJON-RUFINO ON WORKING WITH NORA AUNOR
Mula 1974 hanggang 1978, si June ang personal secretary at confidante ni Nora.
Malalim ang kanilang relasyon kaya nagdalamhati nang husto si June nang bawian ng buhay si Nora noong Abril 16, 2025.
Bilang pagbibigay-pugay sa namayapang aktres, ibinahagi ni June sa social media ang kuwento tungkol sa kanilang apat na taong pagsasama, na pinahahalagahan raw niya hanggang sa ngayon.
Nakasaad sa post (published as is): "In 1972, Peque Gallaga told my parents to make me do on the job training in KBS CHANNEL 9 which was managed by Kitchie Benedicto.
"The three shows that were assigned to me for the summer were Superstar, Makulay na Daigdig ni Nora, and Aawitan Kita."
The last was the musical show of Armida Siguion-Reyna.
Fresh graduate noon si June, at parehas silang 21 years old ni Nora.
Dagdag na kuwento ng VIVA executive: "After summer, I went back to Maryknoll [now Miriam College] to finish my Communication Arts degree.
"Right after graduation, I called up Kitchie and she told me she will still assign the three shows to me.
"From 1974 to 1978, I had the privilege and honor of working with Nora Aunor as production assistant together with Lupita Kashiwahara, Lydia Pablo, and Alice Sabalones.
"I also worked as Nora’s personal secretary until I got married in 1978.
"She is really the one and only 'SUPERSTAR.'”