PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon, nag-alala kahit sabi ni Nora Aunor: "Okay ako"

Lotlot, kinulit pa ang doktor ni Nora para humingi ng update sa sakit ng ina.
by Jojo Gabinete
Published Apr 21, 2025
Lotlot de Leon, ibinahagi na ayaw ipaalam sa kanila ng inang si Nora Aunor ang eksaktong sakit nito; Boy Abunda naiyak sa sobrang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Nora.
Lotlot de Leon (third from left), ibinahagi na ayaw ipaalam ni Nora Aunor (not in photo) sa kanila nina (L-R) Ian, Matet (3rd from left), Kenneth, at Kiko ang tunay na kalagayan nito. Si Boy Abunda (white and black top), na isang self-confessed Noranian, niyakap ni Lotlot dahil hindi napigilang umiyak ni Boy sa gitna ng interbyu.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Jojo Gabinete

Ang silyang gawa sa kahoy at rattan na regalo sa kanya ni Nora Aunor ang upuang ginamit ni Boy Abunda sa panayam niya sa magkakapatid na Ian, Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko de Leon.

Read: Ian de Leon reveals cause of death of Nora Aunor

Ginanap ito sa The Heritage Park sa Taguig City ngayong Lunes ng hapon, Abril 21, 2025, at umere sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7.

Alam ni Nora na may koleksyon si Boy ng mga upuan kaya ito ang kanyang ibinigay na regalo sa TV host na isang certified Noranian.

Hindi na matandaan ni Boy kung kailan nito natanggap mula kay Nora ang silya na isa raw sa mga pinahahalagahan niyang gamit.

Ipinakuha pa ni Boy sa tahanan niya sa Tagaytay City ang silya para gamitin sa interbyu sa mga anak ng namayapang aktres.

Bumuhos ang luha ni Boy nang makita nito sa kauna-unahang pagkakataon ang bangkay ni Nora habang nasa tabi niya sina Ian at Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan si Boy tanggapin ang katotohanang wala na ang aktres na iniidolo at matalik na kaibigan.

Nagpakita naman si Lotlot ng katatagan nang ikuwento nito kay Boy ang pakikipag-usap niya sa mga doktor ng kanyang ina tungkol sa karamdaman nito.

"Sa lahat ng pagkakataon na masama ang pakiramdam niyan o may iniinda, hindi talaga ipinaparating sa amin.

"So, pag nalalaman ko, ako ang naghahanap sa doktor niya para makausap namin.

"Tapos, I call for a family meeting, I call my siblings, 'Eto ang sitwasyon, eto si Mommy, eto ang nangyayari ngayon.'

"Kasi kung si Mommy lang ho talaga, hindi talaga siya nagsasabi sa amin. So, we always find out from other people.

"Kahit kumustahin namin siya, 'Ma, kumusta ka?' Ang lagi lang niyang sagot, 'Okay ako. Huwag mo akong alalahanin, Anak.'"

Read: Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth proud to be adopted by Nora Aunor

LOTLOT DE LEON, KINULIT ANG DOKTOR NI NORA AUNOR

Lumalabas na hindi alam ni Lotlot at ng mga kapatid ang eksaktong kalagayan ni Nora dahil itinatago nito ang karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan daw ni Lotlot na gawan ng paraan para makakuha ng update.

Patuloy niya: "So, yung huli naming pag-uusap, Tito Boy, meron akong doktor na tinawagan na kinukulit.

"Na nagagalit ako, 'Include us, kasi kami yung mga anak. Isama ninyo kami sa kung anong nangyayari para kung meron kaming maitulong, e, magawan din namin ng paraan.'

"E, nakarating po kay Mommy yon. So, si Mommy, minessage ako. Sabi niya ulit, 'Anak, okay ako.'

"Sabi niya, 'Sinabi sa akin ni Doktora, gusto mo siyang makausap. Huwag ka nang mag-alala sa akin, Anak. Kaya ko.'"

Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments

BILIN NI NORA AUNOR KAY LOTLOT DE LEON

May ibinilin pa raw si Nora kay Lotlot.

"And then sabi niya, 'Basta yung mga apo ko, proud na proud ako sa kanila. Mahal na mahal ko kayo. Mahal ko kayo ng mga kapatid mo.'

"Sabi ko, siyempre po. Kami na yata ang pinaka-masunurin na mga anak, sa totoo lang. Kung ano po ang sinabi ni Mommy, yun lang din talaga ang sinusunod namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, kung may pagkakataon po na makasingit kami at para makaalam ng mga detalye, ginagawa talaga namin and we let each other know.

"So, ganoon po talaga. That’s how our life was when mom was with us."

Wala raw magawa si Lotlot kundi sumunod na lang sa ina.

"So, nung nag-usap kami ng huli, sabi ko, 'Okay Ma, I respect your wishes,' kasi ayoko rin na magalit siya sa amin dahil alam niya na makulit ako, e.

"Kinukulit ko yung mga doktor niya. Kinukulit ko kung sino ang kailangan kulitin para malaman kung ano ang nangyayari sa kanya," ang salaysay ni Lotlot.

LOTLOT DE LEON'S MESSAGE FOR BOY ABUNDA

Ayon kay Lotlot, isa si Boy sa mga taong mahal ni Nora.

"Tito Boy, before you end, I just want you to know that Mommy loves you very much. Mahal na mahal ka niya. Alam ko ‘yon.

"And from our family to you, Tito Boy, salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo kay Mommy," pahayag pa ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ian de Leon comforts Boy Abunda, who is mourning the death of idol Nora Aunor.
Ian de Leon comforts Boy Abunda, who is mourning the death of idol Nora Aunor.
Photo/s: Jojo Gabinete

Sa puntong ito, hindi na napigilang mapaluha si Boy nang marinig ang mensahe ni Lotlot para kay Boy.

"Sabi ko nga bago mag-umpisa ang show na ito, sabi ko, "This is one show I…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sa sambayanang Pilipino, maraming salamat po, on behalf of the children, and behalf of everybody who loved her and continue to love her, the only way to love your mother, the only way to understand the great Nora Aunor was to love her," emosyonal na sabi ni Boy.

Hindi na nakontrol ni Boy ang pag-iyak kaya niyakap siya ni Lotlot at dinamayan ni Ian.

Read: Director Adolf Alix Jr. recalls last meeting with Nora Aunor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon (third from left), ibinahagi na ayaw ipaalam ni Nora Aunor (not in photo) sa kanila nina (L-R) Ian, Matet (3rd from left), Kenneth, at Kiko ang tunay na kalagayan nito. Si Boy Abunda (white and black top), na isang self-confessed Noranian, niyakap ni Lotlot dahil hindi napigilang umiyak ni Boy sa gitna ng interbyu.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results