PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

National Artist Nora Aunor, hinatid na sa Libingan Ng Mga Bayani

"Paalam, Guy."
by Jojo Gabinete
Published Apr 22, 2025
Mga labi ni National Artist Nora Aunor, nailagak na sa Libingan Ng Mga Bayani ngayong Martes ng hapon, April 22, 2025.
Si Ian de Leon ang tumanggap ng watawat na iginawad para sa ina at National Artist na si Nora Aunor. Makikita si Ian na naglaglag ng bulaklak sa ibinabang casket ni Nora sa may Libingan Ng Mga Bayani.
PHOTO/S: Sany Chua / Jojo Gabinete

Si Ian de Leon ang tumanggap ng watawat ng Pilipinas mula sa Armed Forces of the Philippines nang ihatid si Nora Aunor sa huling hantungan nito sa Libingan ng mga Bayani ngayong Martes ng tanghali, Abril 22, 2025.

Si Ian ang solong biological child ni Nora Aunor sa dating asawang si Christopher de Leonl

Pinagkalooban si Nora ng pamahalaan ng pamamaalam para sa isang bayani at Departure Honors bilang Alagad ng Pambansang Sining sa Pelikula at Broadcast Arts.

Dumalo sa libing ni Nora ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahangang hindi nagpaapekto sa mainit na sikat ng araw at maalinsangang panahon para masaksihan ang paglilibing sa aktres na kanilang iniidolo.

Mga labi ni Nora Aunor dinala na sa Libingan Ng Mga Bayani.
Lotlot de Leon, naghulog ng bulaklak nang ibinaba ang casket ni Nora Aunor sa puntod.
Photo/s: Sany Chua
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paalam, Guy!" ang mga salitang narinig mula sa mga tagasuporta ni Nora, na sabay-sabay kumanta ng "Handog" at "Superstar ng Buhay Ko" bago inilagak sa hukay ang kabaong na kinalalagyan ng mga labi ng aktres.

Pumanaw si Nora sa edad na 71 noong Abril 16, 2025.

Mga labi ni Nora Aunor dinala na sa Libingan Ng Mga Bayani.
Casket ni Nora Aunor, ibinaba sa kanyang puntod sa Heritage Park.
Photo/s: Sany Chua
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: FULL TRANSCRIPT: Ricky Lee tribute to Nora Aunor

NORA AUNOR NECROLOGICAL SERVICE

Isang "Pagpupugay ng Bayan" ang idinaos sa Manila Metropolitan Theater sa Maynila bilang parangal kay Nora bago ito dinala sa Libingan ng mga Bayani.

Ang kapwa National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang isa sa mga nagbigay ng sinsero at kapuri-puring parangal kay Nora.

Dahil sa kuwento ni Ricky, nalaman ng mga tao na ipinaglihi si Nora ng ina sa Mater Dolorosa o Mother of Sorrows.

"Minsan, nang tanungin ko si Guy kung bakit laging malungkot at puno ng damdamin ang mga mata niya, sabi niya, ipinaglihi raw siya ng ina niya sa Mater Dolorosa.

"Yung birhen na may pitong punyal sa puso kaya siguro kahit na nakatawa siya, sa mga mata niya ay may lungkot pa rin," ang sabi ni Ricky.

Kilalang-kilala ni Ricky si Nora dahil nag-umpisa pa noong 1982 ang pagkakaibigan nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: FULL TRANSCRIPT: Charo Santos-Concio pays tribute to Nora Aunor

RICKY LEE TRIBUTE TO NORA AUNOR

Nagkatrabaho sila sa pelikulang Himala, na sinulat ni Ricky at dinirek ni Ishmael Bernal.

Paglalarawan ni Ricky kay Nora: "Puno ng kontradiksyon si Guy, simple pero kumplikado. Laging nakangiti pero sa loob ay maraming takot.

"Sobrang mahiyain pero sentro ng atensyon. Napakataas at nasa pedestal, pero napakadaling maabot.

"Isang taong ordinaryo na ekstraordinaryo.

"Sa loob ng halos tatlong dekada, tayong mga ordinaryong tao ay ginawa rin niya na ekstraordinaryo kaya siguro madalas ay hindi natin malaman kung ano ang gagawin natin sa kanya.

"Hahangaan lang ba natin siya? Sasambahin? Gagayahin? Pag-aaralan?

"Bata pa man ay inangkin na natin siya.

Hiningi natin ang boses niya, ang buong buhay niya at ng pamilya niya. Ang katahimikan niya.

"Pinakialaman natin bawat galaw niya. Hiningi natin maging ganito siya, maging ganoon siya.

"Binansagan natin siya ng kung ano-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tinanggalan ng boses hanggang hindi na makakanta.

"Dalawang beses na pinagkaitan na maging National Artist.

"Iniwasan ng maraming producer dahil marami daw sakit, mahirap daw makatrabaho.

"Kalat na kalat ang mga kuwento kung gaano kagalante si Guy.

"Kapag may nangangailangan, pautangin niya agad.

"Ang sweldo niya sa lahat sa shooting day ay ipinamimigay niya sa crew at iba pang mga tao sa set.

"Namigay siya ng pera sa mga preso noong shooting ng Flor Contemplacion.

"Hindi naging madali ang buhay ni Guy nitong mga nakaraang taon.

"Marami siyang sakit at naghirap siya. Halos walang mga ari-arian.

"Pero hindi pa rin siya tumigil ng pag-iisip para sa kapakanan ng iba.

"Gusto niyang magtayo ng isang foundation na tutulong sa mga fans at iba pang nangangailangan.

"Buong buhay ni Guy, nagbigay siya nang nagbigay, hanggang sa halos wala nang natira sa kanya.

"At tayo, dahil nasanay na tayong siya ang bigay ng bigay, madalas ay nakakalimutan natin na siya man ay may mga pangangailangan din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sa gitna ng ating pagdadalamhati ngayon, gusto natin sabihin sa kanya, 'Guy, sa ngalan ng milyun-milyong mga taong pinukaw mo, niyakap mo, pinahid mo ang luha, binago mo ang buhay, tanggapin mo'ng aming walang hanggang pasasalamat.'

"Nagpapasalamat kami na nabuhay kami sa isang panahong naririto ka.

"Minsan lang mangyayari ang isang Nora Aunor.

"Pero di pa tapos ang kuwento mo, nagsisimula pa lang.

"Ang pangalan mo ay pangalang sasambitin namin lagi nang walang pagod sa mga susunod pang henerasyon upang hindi nila makalimutan kailanman, na minsan sa isang ginintuang panahon ay may isang bituhing walang kupas na nagningning sa kalangitan ng ating mga buhay.

"Minahal mo kami nang lubos maski na halos ay wala nang natira para sa sarili mo.

"Hayaan mong mahalin ka rin namin hanggang sa walang hanggan.

"Salamat."

Read: FULL TRANSCRIPT: Ricky Lee tribute to Nora Aunor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Ian de Leon ang tumanggap ng watawat na iginawad para sa ina at National Artist na si Nora Aunor. Makikita si Ian na naglaglag ng bulaklak sa ibinabang casket ni Nora sa may Libingan Ng Mga Bayani.
PHOTO/S: Sany Chua / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results