PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor, muling ipapalabas

“Balikan ang ningning ng nag-iisang Superstar...”
by Jojo Gabinete
Published Apr 26, 2025
Nora Aunor in Sa Ngalan ng Ina
Bilang pagbibigay-pugay ng TV5 sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor, muling ipapalabas sa Kapatid Network ang 2011 series nitong "Sa Ngalan ng Ina."
PHOTO/S: TV5 / @janinegutierrez IG

Bilang pagbibigay-pugay sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts at premyadong aktres na si Nora Aunor, muling ipapalabas ng TV5 ang Sa Ngalan ng Ina, ang comeback drama series niya noong 2011 matapos ang walong taong paninirahan sa Amerika.

Read: Nora Aunor dead at 71

“Balikan ang ningning ng nag-iisang Superstar sa kanyang di-malilimutang teleserye,” ang paanyaya ng TV5 tungkol sa nagbabalik-telebisyon na proyekto ni Nora.

Ang Sa Ngalan ng Ina ang reunion project ni Nora at ng ex-husband nitong si Christopher de Leon.

Kasama rin sa mga artista ng nabanggit na television mini-series ang kanilang anak na si Ian de Leon at si Bembol Roco na nakatrabaho nina Nora at Christopher sa 1976 classic period film na Tatlong Taong Walang Diyos.

Ang namayapang direktor na si Mario O’Hara (Abril 20,1946-Hunyo 26, 2012) ang direktor ng Sa Ngalan ng Ina at siya ring direktor ng Tatlong Taong Walang Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napanood noon sa Kapatid Network ang Sa Ngalan ng Ina mula Oktubre 3, 2011, hanggang Nobyembre 4, 2011.

Sa muli nitong pagtatanghal, mapapanood ito sa Hapon Champion block ng TV5 simula sa darating na Lunes, Abril 28, 2025, sa oras na 5:15 nang hapon.

Ang publicity photo ni Nora para sa Sa Ngalan ng Ina ang ginamit na larawan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa imbitasyon ng Pagpupugay Para Kay Nora Aunor.

Pagpupugay Para Kay Nora Aunor invitation
Ang imbitasyon ng CCP at NCCA gamit ang publicity image ni Nora Aunor para sa show niya noon na "Sa Ngalan ng Ina."
Photo/s: CCP / NCCA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang necrological tribute para sa kanya na ginanap noong Abril 22, 2025, sa Metropolitan Theater, Manila, bago siya inihatid sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang pagbibigay-pugay ng TV5 sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor, muling ipapalabas sa Kapatid Network ang 2011 series nitong "Sa Ngalan ng Ina."
PHOTO/S: TV5 / @janinegutierrez IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results