Ang pagiging reklamador at madalas na pagbibilang ng oras ng pagtatrabaho ang ilan lamang sa mga maraming dahilan kaya hindi na mabibigyan ng proyekto sa isang TV network ang pasaway na aktor.
Nagsisisi ang network management sa pagkuha sa serbisyo ng aktor na inakala nilang propesyunal at marunong makisama sa lahat, pero kabaligtaran pala ang pag-uugali.
Read: Poging aktor, todo-mando; daig ang direktor sa pagmamarunong
May mga pagkakataong ayaw ng aktor na sumipot sa taping dahil ayaw niyang pinaghihintay siya nang matagal, kahit kumpleto ang bayad sa kanyang talent fee.
Walang pinipiling lugar ang aktor dahil marami ang nakarinig sa kanyang mga hinaing tungkol sa programang kinabibilangan habang nasa isang public place siya.
Dahil kilalang artista, umagaw ng pansin ang mga reklamo ng aktor laban sa production staff ng program.
Ito ay sa kabila ng naging mabuti sa kanya ang production staff at tinitiis na lamang ang magaspang na pag-uugali niya sa set para hindi na madagdagan ang kanilang mga problema.
Read: Dalawang showbiz personalities, umatras sa eleksyon dahil sa pera
THE LAST STRAW
Ang balitang sinisiraan ng aktor ang sariling programa ang “last straw” kaya malabo nang masundan pa ang proyekto niya sa TV network na nagtiwala sa kanyang kakayahan at napaniwalang maayos siyang katrabaho.
May sapat na dahilan ang network management para patayin ang karakter ng aktor at baguhin na lamang ang kuwento ng kanilang palabas sa telebisyon, pero hindi nila ginawa.
Nagdesisyon na lang silang hindi na bibigyan ng proyekto ang aktor kapag natapos na ang kanilang programa.
Read: Talent manager, ibinalandra sa FB ang gay comedian na may utang