Mga beteranong artista at mga nagbabalik-showbiz na aktor na hindi inaasahang marunong kumanta ang ilan sa mga kalahok sa Season 3 ng Masked Singer Pilipinas.
Mananatili si Billy Crawford bilang host ng ng reality competition program na muling mapapanood sa TV5 simula sa May 17, 2025.
Read: Kilalanin ang bagong panelists ng Masked Singer Pilipinas
Nagbigay ng clues si Billy tungkol sa mga personalidad na magtatagisan ng husay sa pagkanta.
Saad niya: “May mga beterano, may mga comedian, maraming unexpected. Meron din personalities, all ages.
"So, kung pag-iisipan ninyo kung sinu-sino ang puwede, lahat puwede.
“May mga nagbabalik, may galing na dati sa ibang programa, tapos dun niyo na lang makikita ulit.
“Dito lang talaga yung paghula mo, expect the unexpected.”
Read: Kris Lawrence, Masked Singer Pilipinas Season 2 grand champion
MASKED CONTESTANTS
Ayon kay Billy, hindi kilala ng production staff at maging ng contestants ang mga kalahok.
“Even the contestants, they’re not allowed to speak in general.
“Sa nakakaalam, behind the scenes, pagpasok po bago kami dumating, host, judges.
“Pagtapos ng staff, the contestants, the masked singers come in.
"Sila rin po nakamaskara. Hindi lang po yung costume pero nakatago po yung face nila at naka-hold sila.
“Kahit sila, they don’t know who they are, each one of them. Hindi nila alam kung sinu-sino sila.
“We don’t really see the masked singers, like, we do not see them until they perform on stage.
“There’s only a few of the staff that know who the artists are at may mga multa pa yan.
"Kung magbanggit sila ng pangalan, kapag nadulas sila, may PHP500 [fine] yata. Basta kailangan nilang magbayad ng multa kasi bawal na bawal yan,” pahayag ni Billy sa mediacon ng Masked Singer Pilipinas Season 3.
ARTHUR NERY
Si Arthur Nery ang isa sa mga bagong judge detective ng Masked Singer Pilipinas.
Natatawa niyang ibinahagi na hindi rin kilala ng security marshals ang mga contestant.
“Pati mga marshall, hindi nila alam kung sino ang mga dinadala nila, minsan may dinadala sila na hindi namin kilala,” sabi ni Arthur, na likas na mahiyain pero lumitaw ang pagiging natural na komedyante bilang judge detective ng Season 3 ng Masked Singer Pilipinas.
Read: Billy Crawford at Matteo Guidicelli, babalik sa GMA-7?