PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy TV show, kinopya sa lumang TV shows ni Ken Shimura?

Pumanaw na Japanese comedian Ken Shimura, buhay pa rin ang alaala.
by Jojo Gabinete
Published May 1, 2025
ken shimura japanese actor
Japanese actor Ken Shimura, who died of COVID in 2020, was immortalized with a bronze statue located at Higashimurayama Station entrance of Seibu Railway.
PHOTO/S: Facebook

Si Ken Shimura ang sikat na Japanese actor na binawian ng buhay sa edad na 70 noong Marso 29, 2020 dahil sa COVID-19.

Isa si Shimura sa mga kilalang personalidad sa Japan na naging biktima ng COVID kaya ikinabigla at ipinagluksa sa Japan ang kanyang pagpanaw.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Shimura mula noong 1972 hanggang sumakabilang-buhay siya noong 2020.

Read: Spanish princess, famous Japanese comedian among COVID-19 victims

Bilang paggunita kay Shimura at sa mga kontribusyon nito sa Japanese entertainment, isang bronze statue niya ang itinayo sa bayang sinilangan niya sa Higashimurayama, Tokyo.

Naganap ang unveiling nito noong Hunyo 2021.

Makikita sa Higashimurayama Station entrance ng Seibu Railway ang rebulto ni Shimura na may lagda nito.

Naisakatuparan ang rebulto ni Shimura sa pamamagitan ng crowdfunding project.

ken shimura statue
The bronze statue of Japanese actor Ken Shimura at the entrance of Higashimurayama Station in Japan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Limang taon matapos pumanaw, nananatiling buhay ang mga alaala ni Shimura dahil patuloy na napapanood sa YouTube ang kanyang mga programa at ang husay niya sa pagpapatawa.

Read: 10 things to know about One Piece's Zoro actor Mackenyu Arata

KEN SHIMURA SKITS IN PINOY TV SHOW?

Ano ang koneksiyon ni Shimura sa Philippine entertainment?

Kung panonoorin sa YouTube ang mga lumang programa ni Shimura, mapapansing kaparehong-kapareho ito ng ilang mga eksena sa isang ongoing Philippine TV show.

Isang Filipino netizen na tagahanga ni Shimura ang nakapuna sa pagkakapareho ng programa ng namayapang Japanese actor at ng Pinoy TV show na pinapanood niya.

Ayaw mag-isip ng masama ng Filipino fan ni Shimura na may nangyaring pangongopya kaya ipinauaubaya niya sa iba ang panghuhusga.

Pero ayon sa Filipino fan, nakatitiyak siyang hindi si Shimura ang nanggaya dahil dekada ’80 pa nang ipalabas sa Japanese television ang mga ginayang eksena mula sa mga lumang programa ng sumakabilang-buhay na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Japanese actor Haruma Miura dies at 30

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Japanese actor Ken Shimura, who died of COVID in 2020, was immortalized with a bronze statue located at Higashimurayama Station entrance of Seibu Railway.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results