Ngayong Huwebes ng gabi, Mayo 1, 2025, magaganap ang first night Section E Nation, ang sold-out Ultimate Fan Meet & Greet Show ng mga artista ng Ang Mutya ng Section E. sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Bukas, May 2, naman gaganapin ang second night ng fan meet ng cast ng phenomenal Viva One series sa pangunguna nina Andres Muhlach, Ashtine Olviga, at Rabin Angeles.
Read: Andres at Ashtine, makakasama ang co-stars sa fan meet

Ilang araw bago idaos ang malaking pagtitipon ng mga tagahanga at tagasuporta ng Ang Mutya ng Section E., naglabas ng paalaala ang Viva Artists Agency (VAA) tungkol sa online libel.
Ito ay dahil sa mga hindi makataong pagbatikos at walang basehang akusasyon laban sa ibang mga artista ng programa.
Read: Ashtine Olviga, memorable ang kissing scene with Andres Muhlach
VAA WARNS AGAINST ONLINE LIBEL
Nakasaad sa inilabas na opisyal na pahayag ng VAA:
“ONLINE LIBEL is a serious crime.
"Online Libel, or posting online of untruthful or malicious statements that may damage the reputation of a person, is punishable by law.
“Those who make such posts may be imprisoned for up to 8 years or be made to pay a fine of up to PHP 1.5 million.
“Viva Artists Agency takes Online Libel seriously. We stay vigilant in protecting the name and image of our artists.”
Read: Rabin Angeles, nagbago ang mundo dahil sa Ang Mutya ng Section E
Bukod sa mahalagang paalaala ng talent management agency ng Viva Entertainment, nagpahiwatig silang maghahain ng pormal na reklamo laban sa mga nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanilang contract stars.
“Attention for all those spreading malicious statements online. We encourage responsible posting. Malicious statements online may lead to legal action,” giit ng Viva Artists Agency.
Seryoso ang VAA sa kanilang babala dahil wala na sa lugar at nakakabahala ang mga kasinungalingang ikinakalat laban sa mga artista ng Ang Mutya ng Section E.