Isa si Janno Gibbs sa mga judge detective sa Season 3 ng Masked Singer Pilipinas.
Sa ginanap na media conference ng nagbabalik-telebisyon na programa, inulit niyang "professional" na siya at hindi na nahuhuli sa pagdating sa mga taping at shooting.
“Matagal na akong professional. Hindi na ako nale-late ngayon, matagal na, hindi lang alam.
"Ever since pumasok ako ng Viva, shooting, kapag kailangan maaga, hindi na ako nale-late,” paliwanag ni Janno.
Hindi ipinagkakaila ng comedian-singer na naging problema niya noon ang pagiging “late-comer” dahil sa insomnia.
Pero biro niya, “Nag-level up na ako, absent na ako. Nag-a-absent na lang ako.
"Kapag hindi ko kayang pumasok nang maaga, absent!”
Read: Janno Gibbs curses netizens over "enabler" tag in Dennis Padilla issue
COMIC RELIEF IN MASKED SINGER PILIPINAS
Si Janno ang comic-relief provider sa Masked Singer Pilipinas dahil sa kanyang witty at mga nakakatawang opinyon bilang judge detective.
Ikinuwento ni Janno na ang programa ang dahilan kaya naging malapit sila ni Nadine Lustre sa isa’t isa.
Kasama rin nila bilang judge detective sina Pops Fernandez at Arthur Nery.
Read: Kilalanin ang bagong panelists ng Masked Singer Pilipinas

“Sa panghuhula po, pinair kami. Kaming dalawa ni Nadine, magkakampi kami as JaDine, Janno and Nadine.
"Tapos si Arthur Nery at si Pops, PopsThur.
“Since kami nga yung tandem na kalaban nina Pops at Arthur sa hulaan, medyo nag-bond kaming dalawa.
“First time kong nakatrabaho si Nadine. Medyo naging close kami dito dahil kami ang magkakampi.
“It was a joy coming to work every time kasi, una, yung samahan namin, naging family kami for the duration of the tapings.
“Ang saya naming lahat, si Pops nagdadala ng pagkain."
Dagdag pa ni Janno: "Aside from that, excited kami sa performances kasi ang gagaling talaga ng bawat isa. Nagpapasikat talaga sila.
“Yung artistry, hindi lang sa pagkanta, ha? Pati yung pag-areglo at pag-atake ng kanta, nagpasikat talaga lahat kaya nahirapan kami at nahirapan kaming manghula.”
Puring-puri ni Janno ang labing-anim na contestants ng Masked Singer Pilipinas dahil magagaling at palaban umano ang mga ito sa bardagulan.
Read: Janno Gibbs, poste ng VMX sexy gag show na Wow Mani