PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, tahimik na ipinagluksa ang pagpanaw ng ina

Ina ni Willie Revillame, pumanaw noon pang April 1, 2025.
by Jojo Gabinete
Published May 5, 2025
william revillame mother myrna buendia
Belated reports reveal that Willie Revillame's mother, Myrna Buendia, passed away on April 1, 2025 at the age of 79. Mother and son are seen in a rare photograph.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook / Willie Revillame

Pumanaw ang ina ni Willie Revillame na si Myrna Buendia, sa edad na 79, noon pang Abril 1, 2025.

Pero pinili ng Will To Win host ang tahimik na pagluluksa dahil ayaw umano niyang makaabala ng ibang mga tao kaya tanging ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang nakaalam sa malungkot na pangyayari sa buhay niya.

Walong taong naratay ang ina ni Willie dahil sa aneurysm.

Read: Willie Revillame, bitbit pa rin ang trauma ng Wowowee tragedy

Si Willie ang panganay sa anim na magkakapatid, at sa loob ng walong taon, magkasama sila ng kanyang ina ng tirahan.

Ikinuha rin niya ng personal caregiver at nurse na 24/7 na tagapag-alaga ng ina.

Malaki ang impluwensiya kay Willie ng nanay niya dahil tinitignan niya itong isa sa mga dahilan kaya naging matapang siya sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay.

Isinilang si Willie ng kanyang ina sa edad na 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MEMORABLE DATEs

Sa pagpanaw ng ina, maraming mahahalagang petsa ang hindi malilimutan ni Willie.

Namayapa ang nanay ni Willie noong Abril 1.

Ipina-cremate ang mga labi nito noong Abril 4, na kaarawan naman ng ama ng TV host na si Engineer Honorio Revillame.

Read: Ang tunay na istorya sa viral video ni Willie Revillame at ng PWD

Ang pagkamatay ng ina ang sinabi ni Willie na dahilan ng pansamantalang pagtigil niya sa pangangampanya para sa kanyang senatorial bid.

Bumalik si Willie sa pangangampanya noong Abril 9, ang araw ng pasiyam para sa nanay niya.

Noong Mayo 1, umuwi siya sa Cabanatuan City, ang lungsod na kanyang sinilangan, para sa unang buwang anibersaryo ng kamatayan ng babaeng pinagkakautangan niya ng buhay.

Sa Mayo 10 ang huling araw ng pangangampanya ng lahat ng mga kandidato para sa halalan, at ito ay tatapat sa 40th day ng kamatayan ng ina ni Willie.

Kinabukasan, Mayo 11, ang Mother’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Mayo 24 naman ang 80th birth anniversary ng nanay niya.

Maaaring nagkataon lamang ang lahat, pero naniniwala si Willie na ginagabayan siya ng kanyang ina kahit nasa kabilang buhay na ito.

Read: Willie, itinangging kasama sa senatorial lineup ng administrasyon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Belated reports reveal that Willie Revillame's mother, Myrna Buendia, passed away on April 1, 2025 at the age of 79. Mother and son are seen in a rare photograph.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook / Willie Revillame
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results