Kumpirmadong kabilang ang mag-asawang Pilipino na sina Edsil Jess at Alexis Adalid sa mga nasawi sa malakas na lindol na nangyari sa Myanmar noong Marso 28, 2025.
Nagtugma ang DNA test na isinagawa sa dalawang bangkay na natagpuan sa gumuhong Sky Villa Condominium sa Mandalay, Myanmar.
Read: Mag-asawang OFW, still missing matapos ang earthquake sa Myanmar
Ang nakababatang kapatid ni Edsil na si Dehm Howard Adalid ang nagkumpirma sa Cabinet Files ngayong Lunes ng gabi, Mayo 5, na kasama sa mga natabunan ng gumuhong Sky Villa Condominium ang kanyang kapatid at hipag.
Umasa ang pamilya nina Edsil at Alexis na buhay pa sila, pero nalaman nila ang masakit na katotohanan dahil sa ulat ng isang news organization.
NEWS FIRST RELEASED TO THE MEDIA
Nasaktan ang pamilya Adalid dahil nauna pang sabihin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media ang masaklap na balita kesa sa kanila.
Pahayag ni Dehm: “Nalaman namin ang balita sa isang post ng ABS-CBN at kinabukasan, nagkaroon kami ng online meeting sa Department of Foreign Affairs [DFA] at na-confirm na nag-match yung resulta ng DNA test sa amin.
"Pero kanina po, humingi naman po ng paumanhin ang NBI dahil sa lapses nila.
"Hindi kami yung unang in-inform, so okay na po yun. At least, nalaman na namin at may closure na po."
Read: Dating beauty queen, kabilang sa mga nasawi sa lindol sa Myanmar
Hindi na makilala ang mga labi nina Edsil at Alexis kaya kinuhanan sila ng DNA sample bago ipina-cremate ng pamahalaan ng Myanmar ang kanilang mga bangkay.
Lumuwas sa Maynila ang pamilya ng mag-asawa noong Martes Santo, Abril 15, para sa DNA sample nila na ipinadala sa Myanmar.
“Idadaan po sa DNA sample dahil hindi na ma-identify kasi nasa decomposing stage na po,” lahad ni Dehm sa Cabinet Files noong Abril 19.
Hindi nawalan ng pag-asa ang pamilya ng mga nasawi na buhay pa sila at may milagro, pero hindi ito nangyari.
Ngayong kumpirmadong wala na sina Edsil at Alexis, inaasikaso na nilang maiuwi sa Pilipinas ang cremated remains ng mag-asawa.
Pamilya ng missing Pinoy couple sa Myanmar, "praying for miracle"