Nilagyan na ng limitasyon ng isang TV personality ang pakikipagkaibigan niya sa showbiz personality dahil masyado na itong nagiging kumportable sa kanya.
Naging malapit sa isa’t isa ang dalawa dahil tinulungan ng TV personality ang showbiz personality na magkaroon ng direksiyon ang buhay, matapos itong masangkot sa mga kontrobersiya.
Read: Pasaway na aktor, hindi na bibigyan ng proyekto ng TV network
Ang TV personality ang parang naging nakatatandang kapatid ng showbiz personality.
Madalas pinapayuhan ng TV personality ang showbiz personality na iwasan ang mga bisyo at tukso sa paligid dahil naniniwala siyang malayo pa ang mararating ng showbiz career nito.
Pero nabahala at nagsimulang magbago ang pakikitungo ng TV personality sa kaibigan nitong naging “too close for comfort.”
SOMETHING STRANGE
Nagsabi ang showbiz personality na gusto nitong manirahan sa bahay ng TV personality.
Nagulat ang TV personality dahil may sarili siyang pamilya.
Bukod sa pagkakaroon ng pamilya, ang kapakanan ng mga anak niya ang unang pumasok sa isip ng TV personality.
Read: Malisyosong aktor, pinagkalat na niligawan siya ni clueless actor
Kahit magkaibigan sila ng showbiz personality, hindi komportable ang TV personality na may kasama silang ibang tao sa kanilang tahanan.
Mula noon, nagkaroon na ng limitasyon ang pagkakaibigan ng showbiz personality at ng TV personality, na higit isinaalang-alang ang kalagayan ng kanyang pamilya.
Nakiayon sa desisyon ng TV personality ang malalapit na kaibigan nito dahil sa mga hindi kanais-nais na balitang nakararating sa kanila tungkol sa mga kaganapan ngayon sa buhay ng showbiz personality.
Read: Beautiful actress, super-yayamaning negosyante ang idini-date