“Admiration lang.”
Ito ang sagot ng Sparkle artist na si Jay Ortega nang itanong ng Cabinet Files ang rason ng pagpunta niya sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules ng hapon, Mayo 7, 2025.
Binigyan niya ng bulaklak si newly-crowned Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo.
Read: Ahtisa Manalo of Quezon Province crowned MUPH 2025
Si Ahtisa ang bisita sa programa ni Boy Abunda, at marami ang nagtaka sa biglang pagdating ni Jay.
Matiyagang pinanood ng actor-model ang panayam sa beauty queen na ayon sa kanya ay nakilala lamang niya “a month ago.”

Tinanong namin si Jay kung personal niyang susuportahan ang pagsali ni Ahtisa sa Miss Universe 2025 na magaganap sa Thailand sa Nobyembre 21, 2025.
“Depende kung walang work,” sagot niya.
Nang matapos ang interbyu kay Ahtisa, lumapit agad si Jay sa beauty queen para ibigay ang bouquet of flowers na dala niya.

AHTISA'S BRUISE FROM HER FALL
Samantala, may bakas pa ng malaking pasa sa kaliwang tuhod ni Ahtisa na resulta ng pagkakadapa niya sa entablado sa evening gown competition ng Miss Universe Philippines 2025 noong Mayo 2.
Read: Ahtisa Manalo's poise after stage slip draws praise online

Ang pagsali ni Ahtisa sa Miss Universe Philippines 2025 ang dahilan ng kanyang desisyong huwag ituloy ang pagkandidato bilang konsehal sa bayan nila sa Candelaria, Quezon.
Naghain si Ahtisa ng kandidatura noong Oktubre 2024, pero binawi niya ito nang magpasyang muling subukan ang kapalaran sa beauty pageant.
Hindi nabigo si Ahtisa dahil siya ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2025 na katuparan ng kanyang pangarap.
Nang matapos ang panayam ni Boy kay Ahtisa, naulinigan ng Cabinet Files ang kanilang pag-uusap na magkakaroon sila ng one-on-one special sessions bilang paghahanda ng 27-year-old beauty queen sa Question and Answer sa 74th Miss Universe.
Read: Ahtisa Manalo asks fans to stop bashing Miss Cosmo 2024 winner