Ang hindi pagsipot ng VMX star na si Karen Lopez sa huling araw ng shooting ng Maalikaya noong Miyerkules, Mayo 7, 2025, ang dahilan kaya napilitang baguhin ng direktor na si Roman Perez Jr. ang kuwento ng pelikula.
Si Karen ay tatlong araw nang nawawala at walang komunikasyon sa kanyang pamilya, pati na sa manager niyang si Lito de Guzman.
Read: VMX star Karen Lopez, pinangangambahang nawawala
Nakausap ng Cabinet Files si Lito ngayong Huwebes, Mayo 8, 2025.
Ayon sa kanya, nagsadya na ang ina ni Karen sa Quezon City Police Department para ipa-blotter ang pagkawala ng anak.
Sa panayam naman ng Cabinet Files kay Direk Roman ngayong Huwebes din, inilahad niyang tinapos nila ang shooting ng Maalikaya sa Upper Antipolo City, kahit wala si Karen.
Saad ng direktor: “Nag-revise ako ng script, itinuloy ko ang shooting, pero hinintay pa rin namin ang pagdating ni Karen.
"The night before the shoot, nag-confirm pa si Lito sa associate producer namin na sisipot si Karen sa last shooting day.”
Tampok din sa Maalikaya ang VMX stars na sina Jenn Rosa, Aliya Raymundo, Izza Watanabe, at Sheena Cole.
Read: Direk Roman Perez Jr., pabor bang saklawin ng MTRCB ang VMX?

THE DISAPPEARANCE OF KAREN LOPEZ
Nababahala rin si Direk Roman sa mahiwagang pagkawala ni Karen.
“Pinuntahan namin siya kahapon sa condominium building na tinitirhan niya sa Sct. Madriñan, Quezon City, dahil ala-singko pa lang ng umaga, marami na ang naghahanap sa kanya.
“Umakyat kami sa unit niya, mga thirty minutes kaming kumatok pero walang tao.
“Nakita sa CCTV na sinundo siya ng boyfriend niya. Sinabi rin ng security guard ng condo na may sumundo sa kanya.
“Sana makita na siya ng pamilya niya at, sana, magparamdam siya. Kawawa naman ang mga magulang niya [na nag-aalala],” sabi ni Direk Roman.
Read: VMX star Stephanie Raz, gusto nang talikuran ang showbiz
Nanghihinayang din si Direk Roman dahil mabait at maayos umanong kausap si Karen kaya malaking palaisipan sa kanila ang pagkawala at hindi pagsipot sa shooting ng 21-year-old VMX star.
May kutob daw si Direk Roman na may kinalaman ang boyfriend ni Karen sa pagkawala nito lalo't nakarating sa kanilang tutol umano ang lalaki sa pagpapaseksi sa pelikula ng kanyang girlfriend.
“Ayaw ng boyfriend ni Karen na mag-VMX siya. Baka pinagbawalan siya. Sana maayos ang problema,” sabi ni Direk Roman.
Read: Noteworthy VMX Movies of 2024: From Unang Tikim to Climax