PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabin Angeles, title role sa series na Seducing Drake Palma

Rabin Angeles, tritle role sa series na Seducing Drake Palma
by Jojo Gabinete
Published May 8, 2025
rabin angeles seducing drake palma
Rabin Angeles is introduced as the lead star of the upcoming Viva One series Mission Impossible: Seducing Drake Palma.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram

Maligayang-maligaya si Rabin Angeles dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pagbibida sa Mission Impossible: Seducing Drake Palma, ang upcoming series na mapapanood sa Viva One.

Ipinakilala si Rabin bilang lead star ng nabanggit na series sa pamamagitan ng isang media conference na naganap ngayong Huwebes ng hapon, Mayo 8, 2025, sa Viva Café, Cubao, Quezon City.

Binigyan ng importansiya si Rabin dahil siya ang unang ipinakilala sa cast ng online series na mula sa direksiyon ni Crisanto Aquino at tatampukan din ng iba pang young contract stars ng Viva Artists Agency.

Read: Rabin Angeles, walang pamasahe noon, may kotse na ngayon

Katuparan ito ng pangarap ni Rabin na magbida sa isang series dahil siya ang title role sa Mission Impossible: Seducing Drake Palma.

Ang karakter ni Rabin bilang Drake ay matalino, mula sa mayamang pamilya, lapitin ng mga babae, pero masungit.

Si Ariesa Jane Domingo aka Beeyotch (Beyond Bitch) ang sumulat ng Seducing Drake Palma, isang WattPad series na may 79.5 million reads, kaya inaasahang magiging matagumpay rin ito tulad ng Ang Mutya ng Section E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
seducing drake palma
Rabin Angeles (left) with Seducing Drake Palma writer Ariesa Jane Domingo and director Crisanto Aquino
Photo/s: @vivaartistsagency on Instagram

FROM MUTYA NG SECTION E TO SEDUCING DRAKE PALMA

Hindi makapaniwala si Rabin sa mabibilis na pangyayari sa kanyang acting career mula nang mapansin siya sa Ang Mutya ng Section E, ang phenomenal series ng Viva One na pinangunahan nila nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginampanan ni Rabin sa Ang Mutya ng Section E ang karakter ni Yuri Hanamichi.

Mula noon, nagkasunud-sunod na ang kanyang mga proyekto at product endorsements na naging daan para makapagpundar siya ng sariling sasakyan at makatulong sa pamilya.

Dahil sa kanyang pagganap bilang Yuri, si Rabin ang pinarangalang Best TV Actor sa Laurus Nobilis Media Excellence Awards ng Lyceum of the Philippines-Cavite noong nakaraang buwan.

Read: Rabin Angeles still in disbelief at popularity of their show

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabin Angeles is introduced as the lead star of the upcoming Viva One series Mission Impossible: Seducing Drake Palma.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results