PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina ni former Bulakan Mayor Patrick Meneses, nawawala

Ina ni Patrick Meneses, hindi sumipot sa kanilang Mother's Day dinner.
by Jojo Gabinete
Published May 12, 2025
patrick meneses mother missing
Former Bulakan Mayor Patrick Meneses (center) and his brother, councilor bet Piccolo Meneses (left), report their mother’s disappearance to (right) Guiguinto Police Chief Colonel Christian Alugod.
PHOTO/S: Mayor Patrick Meneses Facebook

Nawawala umano mula pa noong Linggo ng hapon, Mayo 11, 2025, si Precy Meneses, ang ina ni Bulakan, Bulacan, mayoral candidate Patrick Meneses.

Si Patrick ang ama ng anak ni Ara Mina na si Amanda.

Sinasabing huling nakita ang sasakyan ni Gng. Meneses at ang convoy nito sa North Luzon Expressway sa Bocaue, Bulacan.

Read: VMX star Karen Lopez, pinangangambahang nawawala

Labis na nag-aalala ang kanyang pamilya dahil hindi raw sumipot si Gng. Meneses sa kanilang Mother’s Day dinner sa isang restawran sa Guiguinto, Bulacan.

Agad na ipina-blotter ni Patrick sa Guiguinto Police Station ang pagkawala ng kanyang ina noong Linggo.

Habang isinusulat ang artikulo ngayong araw ng halalan, Mayo 12, ay hindi pa rin natatagpuan si Mrs. Meneses.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Director Colonel Franklin Esttoro, bumuo na siya ng isang task force para imbestigahan ang kaso ng nawawalang ina ni Patrick.

Read: Patrick Meneses reveals how ex-girlfriend Ara Mina invited him to her wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PATRICK MENESES OFFICIAL STATEMENT

Naglabas din si Patrick ng opisyal na pahayag sa nangyari sa ina.

Pahayag niya (published as is): “Hindi po lingid sa kaalaman ng lahat ang napapabalitang pagkawala ng aming INA na Si Precy Francisco Meneses.

“Dahil sa tuluyang pagkawala ng aming komunikasyon sa aming INA, minarapat po naming idaan ito sa legal na proseso. Kung kaya't kami po ay nakipag-ugnayan sa mga alagad ng batas upang ipablotter at magpatulong sa kanila upang mabigyang linaw ang insidenteng ito.

“Kami po ay labis na nag-aalala sapagkat cya ay lumagpas na sa takdang oras na aming pinag-usapan.

“Kami po ay nakatakdang kumain ng sabay-sabay ngaung gabi upang i-celebrate ang Mother’s Day.

"Mga minamahal kong kababayan, sa pagkakataon pong ito, kami po ay humihingi ng panalangin at suporta para sa kaligtasan ng aming INA.

“Kung ito man po ay bahagi ng maruming pulitika sa ating bayan, tayo po ay patuloy na MANINDIGAN. TULOY PO ANG ATING LABAN!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Patrick Meneses calls Ara Mina and Dave Almarinez "soulmates"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Bulakan Mayor Patrick Meneses (center) and his brother, councilor bet Piccolo Meneses (left), report their mother’s disappearance to (right) Guiguinto Police Chief Colonel Christian Alugod.
PHOTO/S: Mayor Patrick Meneses Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results