PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

UPDATED Iba pang celebs na nanalo at natalo sa 2025 elections

Leren Bautista, Nina Jose nagwagi rin sa 2025 midterm elections.
by Jojo Gabinete
Published May 13, 2025
leren nina dan rommel 2025 elections
Former beauty queen Leren Bautista (leftmost) and former PBB housemate Nina Jose-Quiambao (second from left)) both won in their reelection bid as Los Banos, Laguna councilor and Bayambang, Pangasinan mayor, respectively; Dan Fernandez (second from right) and Rommel Padilla (rightmost), on the other hand, lost in their bid as Laguna governor and Cuyapo, Nueva Ecija mayor, respectively.
PHOTO/S: Facebook

Ang former PBB housemate na si Niña Jose-Quiambao; ang movie producer na si Enrico Roque; ang former beauty queen na si Leren Bautista; ang 6cyclemind vocalist na si Tutti Caringal; ang former Pinoy Fear Factor contestant na si Manuel Chua; at ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Yeoj Marquez ang ilan pa sa mapapalad na nagwagi sa 2025 midterm elections na idinaos nitong Lunes, Mayo 12, 2025.

Tuloy ang serbisyo ni Niña na muling naluklok sa puwesto bilang alkalde ng Bayambang, Pangasinan.

Muling nagwagi bilang mayor ng Pandi, Bulacan si Enrico Roque, ang producer ng CineKo Productions.

Si Leren ang kasintahan ng basketball player at aktor na si Ricci Rivero.

Nahalal siya bilang konsehal ng lone district ng Los Baños, Laguna, sa pangalawang pagkakataon.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

Gaya ni Leren, re-elected councilor ng lone district ng San Jose, Nueva Ecija, si Manuel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahalal na konsehal ng unang distrito ng Parañaque City si Yeoj, samantalang muling maglilingkod bilang board member ng second provincial district ng Laguna si Tutti.

Read: FULL LIST: Celebrities cast votes in 2025 elections

MORE CELEBS WHO WON

Muling nahalal na alkalde ng Lucena City, Quezon, si Mark Alcala, ang rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Nanalo naman bilang vice-mayor ang running-mate ni Mark, ang ama niyang si incumbent Vice-Mayor Dondon Alcala.

Elected councilor ng lone district ng Gumaca, Quezon, ang basketball player na si Jeric Teng.

Nagwaging konsehal ng lone district ng Porac, Pampanga, ang dating aktor na si Maynard Lapid, anak ni Senator Lito Lapid.

Landslide victory si Rogelio "Ruel" Pacquiao, ang kapatid ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Re-elected si Ruel bilang gobernador ng lalawigan ng Sarangani.

Mananatili namang alkalde ng bayan ng Pola, Oriental Mindoro, ang unopposed na si Ina Alegre.

Nanalong konsehal ng ika-apat na distrito ng siyudad ng Maynila si Atty. Lady Quintos, ang kapatid ng aktres na si Mikee Quintos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wagi rin ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun bilang congressman ng first district ng Zambales.

Nahalal bilang No. 1 councilor sa unang distrito ng Makati City ang ama ni Jhong Hilario na si Virjhong Hilario.

Pinalitan niya ang anak na si Jhong, na nagpahinga muna sa public service matapos ang tatlong terminong paglilingkod.

Kakaiba naman ang kaso ni Wendell Ramos, na kandidatong konsehal ng fourth district ng Maynila pero nagdesisyon noong Enero 31, 2025 na iurong ang kanyang kandidatura.

Sa kabila ng pahayag ni Wendell noong Abril 27 na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo, may mga bumoto pa rin sa kanya kaya nakakuha siya ng 5,272 votes.

Read: Wendell Ramos withdraws candidacy for Manila councilor

MORE CELEBS WHO LOST

Hindi lamang si Dan Fernandez ang nabigo sa kanyang gubernatorial bid sa probinsiya ng Laguna.

Hindi rin pinalad manalo ang kanyang anak, ang aktor na si Danzel Fernandez, na tumakbong house representative ng lone district ng Sta. Rosa, Laguna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
danzel and dan fernandez 2025 elections
Dan Fernandez (right) and son Danzel Fernandez both lost in Laguna.
Photo/s: Congressman Dan S. Fernandez Facebook

Hindi natupad ang pangarap ni Lito Camo na paglingkuran ang kanyang mga kababayan sa Bongabong, Oriental Mindoro, dahil hindi siya nanalong alkalde ng kanilang bayan.

Hindi rin nagwagi si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel Padilla, na kumandidatong mayor ng Cuyapo, Nueva Ecija.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng kanyang kapatid na si Anjo Yllana, na tumakbong vice-mayor ng Calamba City, Laguna, hindi pinalad si Paulie Yllana maging konsehal ng lone district ng naturang siyudad.

Malungkot din ang kinahinatnan ng pagtakbo ni Bobby Yan, ang kuya ng pumanaw na aktor na si Rico Yan, dahil hindi siya nagwaging konsehal sa lone district ng City of Cabuyao, Laguna.

Tinalo ng former PBA player na si Vergel Meneses si Patrick Meneses bilang alkalde ng Bulacan, Bulacan. Si Patrick Meneses ang ama ng anak ni Ara Mina.

Hindi rin pinalad magwagi ang mga kapatid ni incumbent Manila Vice-Mayor Yul Servo na sina Apple Nieto (Manila representative, third district) at Dianne Nieto (Manila councilor, fourth district).

Si Yul ay nabigong muling mahalal para sa posisyong hinawakan niya ng tatlong taon.

Karagdagan din sa listahan ng celebrities na nabigong mahalal ngayong 2025 elections ang dating TV and movie personality na si Joy Ortega, na tumakbong representative ng second district ng La Union.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang former dancer na si Mariposa Cabigquez ay hindi rin pinalad magwaging alkalde ng Meycauayan, Bulacan.

Ang FPJ's Batang Quiapo character actor na si Raymond Ronquillo ay natalo sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Sto. Tomas, Pampanga.

Read: Jomari Yllana explains why he did not run for higher office

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former beauty queen Leren Bautista (leftmost) and former PBB housemate Nina Jose-Quiambao (second from left)) both won in their reelection bid as Los Banos, Laguna councilor and Bayambang, Pangasinan mayor, respectively; Dan Fernandez (second from right) and Rommel Padilla (rightmost), on the other hand, lost in their bid as Laguna governor and Cuyapo, Nueva Ecija mayor, respectively.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results