PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Karen Lopez, nakunan ng CCTV noong siya ay "nawawala"

"Rumaket" noong araw na siya ay "nawawala"?
by Jojo Gabinete
Published May 15, 2025
Karen Lopez, nakunan ng CCTV footage na kasama ng nobyo noong araw napaulat na siya ay nawawala.
VMX star Karen Lopez, nakunan ng CCTV kasama ang nobyo sa isang condo sa Quezon City noong araw na siya ay naiulat na nawawala, ayon sa pulisya.
PHOTO/S: @lpez_krn Instagram

Ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Station 10 ng Quezon City Police District tungkol sa "pagkawala" ng VMX star na si Karen Lopez ang itinuturong dahilan ng kanyang "biglang paglitaw" noong Miyerkules, Mayo 14, 2025.

Read: Pagkawala ng VMX star na si Karen Lopez, pina-blotter na

Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Lopez na kailangan niyang magpahinga at mag-focus sa sarili dahil sa kanyang mabigat na pinagdaraanan—mentally at emotionally.

Read: VMX star Karen Lopez issues apology for sudden disappearance

karen lopez "RUMAKET" noong "nawawala"?

Pero may ibang kuwento tungkol sa mahiwagang paglalaho ni Lopez.

May mga nagsasabing nakita siyang nagtanghal sa isang bayan sa Samar, kasama ang kanyang boyfriend, noong araw na mapaulat ang pagkawala niya.

Nalaman ng publiko na nawawala si Lopez dahil sa manager nitong si Lito de Guzman.

Lito de Guzman, sinabing pina-blotter na umano ng mga magulang ni Karen Lopez ang pagkawala nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanawagan si Lito noong Mayo 7 tungkol sa VMX star na may shooting ng araw na iyon para sa pelikulang Maalikaya pero hindi matagpuan.

"Nawawala si Karen Lopez bakit 12-hours na syang di nasagot my shooting sya today! Scared na kami!" ang Facebook post ni De Guzman.

Lito de Guzman, hinahanap ang talent na si Karen Lopez noong araw na hindi ito sumipot sa shooting ng VMX.

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng Maalikaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil hindi sumipot si Karen sa shooting, napilitan si Direk Roman na baguhin ang kuwento ng pelikula para makaiwas sa malaking gastos ang produksyon.

KAREN LOPEZ SPOTTED WITH BOYFRIEND, SAYS POLICE

Sa imbestigasyon ng Station 10 ng QCPD, huling nakita si Lopez noong Mayo 6, kasama ang boyfriend niya.

Base ito sa CCTV footage na kuha mula sa condominium building sa Quezon City, na tinitirhan ng sexy star na napansin dahil sa kanyang “disappearing act.”

Sinabi ng mga nag-imbestiga na walang pormal na ulat o reklamong inihain sa mga himpilan ng pulisya ng QCPD ang mga kamag-anak ni Lopez.

Taliwas ito sa pahayag ng kampo ni Karen na ipina-blotter ng kanyang ina ang pagkawala niya.

May dapat ipaliwanag si Karen tungkol sa dalawang bersiyon ng kuwento ng kanyang ilang araw na "pagkawala."

Kapag napatunayang “rumaket “ lamang si Lopez sa isang lugar sa Samar, at hindi totoong dumanas ng mental at emotional challenges, imposibleng hindi maapektuhan ang kredibilidad niyang tiyak na palagi na lamang pagdududahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX star Karen Lopez, nakunan ng CCTV kasama ang nobyo sa isang condo sa Quezon City noong araw na siya ay naiulat na nawawala, ayon sa pulisya.
PHOTO/S: @lpez_krn Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results