PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao, tinanggap ang pagkabigo sa 2025 elections

Manny Pacquiao: "Lubos ang aking pasasalamat sa bawat boto, dasal, at suporta."
by Jojo Gabinete
Published May 15, 2025
Manny Pacquiao concedes defeat in senatorial race in 2025 elections.
Manny Pacquiao: "Sa lahat ng hindi pumili sa akin, salamat pa rin dahil bahagi rin kayo ng prosesong nagpapalakas sa ating demokrasya."
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook

Maluwag sa loob na tinanggap ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang pagkabigo na muling mahalal na senador ng Pilipinas.

Natalo siya sa eleksyong idinaos noong Lunes, Mayo 12, 2025.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

Sa pamamagitan ng kanyang social media post ngayong Huwebes, Mayo 15, nagpasalamat si Pacquiao sa lahat ng mga sumuporta at nagdasal para sa tagumpay niya.

"Mula sa aking puso, maraming salamat. Hindi man ako nagtagumpay sa pagtakbo sa Senado, lubos ang aking pasasalamat sa bawat boto, dasal, at suporta.

"Ang puso ko ay mananatiling nasa bayan. At ang pangarap ko para sa bayan na maiahon ang bawat pamilyang Pilipino ay hindi magbabago.

"Taos-puso rin ang aking pagbati sa lahat ng nanalo. Nawa’y maging tapat, makatao, at makabuluhan ang inyong paglilingkod para sa ating bayan.

"Sa lahat ng bumoto at naniwala, salamat sa inyong pagmamahal.

"Sa lahat ng hindi pumili sa akin, salamat pa rin dahil bahagi rin kayo ng prosesong nagpapalakas sa ating demokrasya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tuloy ang laban. Tuloy ang serbisyo. Para sa Diyos. Para sa bayan. Para sa bawat Pilipino," ang kabuuang mensahe ng pasasalamat ni Pacquiao.

Siya ay nagsilbi bilang senador ng bansa mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 2022.

Read: FULL LIST: Celebrities cast votes in 2025 elections

MANNY PACQUIAO NEW BOXING MATCH

Hindi nagwakas sa nakaraang midterm elections ang laban ni Pacquiao dahil muli itong sasabak sa boxing.

Nakatakdang maganap ang kanyang laban sa Las Vegas, Nevada, USA sa Hulyo 19, 2025.

Sa report ni Andreas Hale ng ESPN, babalik si Pacquiao sa boxing ring para sa kanyang unang propesyonal na laban sa loob ng halos apat na taon.

Makakalaban ng 46-year-old Filipino boxing superstar si Mario Barrios, ang 29-year-old reigning Mexican-American WBC welterweight champion.

Matutunghayan ito sa PBC pay-per-view ng Prime Video.

Marami ang nag-aalala sa muling pagsabak ni Pacquiao sa boxing dahil sa kanyang edad, kabilang ang British-Nigerian boxing analyst na si Ade Oladipo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Oladipo: "This is embarrassing. But it's also a bit disgraceful. Manny Pacquiao, as you just said, is 46 years of age...

"It is clear to see that this guy can no longer do it at any level, let alone world championship level.

"And Manny Pacquiao is a volume fighter. You can't do that type of output at 46. It's just not gonna be there.

"I find it almost comical what [the WBC] are doing."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao: "Sa lahat ng hindi pumili sa akin, salamat pa rin dahil bahagi rin kayo ng prosesong nagpapalakas sa ating demokrasya."
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results