Magdiriwang ng kanyang ika-26 kaarawan si Mutya ng Section E star Ashtine Olviga sa Mayo 19, 2025.
Isa sa pinakamaagang regalo na kanyang natanggap ay ang paglulunsad ng Ash Scent Beyond Gender, ang unisex perfume line ni Ashtine na resulta ng kolaborasyon nila ng Viva Beauty, ang beauty arm ng Viva Group of Companies.
Pero nang tanungin tungkol sa regalo niya sa sarili, “Wala po talaga” ang sagot ni Ashtine.
Mas mahalaga raw sa kanya ngayong ipunin ang mga kinikita niya.
Read: Ashtine Olviga, kinabahan sa kissing scene nila ni Andres Muhlach
“Mas pinipili ko pong mag-ipon muna, kasi yung mga nangyayari po ngayon, hindi ko naman po sure kung meron pa siya for the next few years or for the next few months.
“Mas nag-iisip po talaga ako ngayon to spend my money wisely,” pahayag ni Ashtine sa grand perfume launch na naganap sa Viva Café, Quezon City, nitong Huwebes, Mayo 15, 2025.
Tanging "genuine happiness" daw ang kahilingan ni Ashtine para sa nalalapit na kaarawan.
Saad niya: “Genuine happiness lang po.
"Kasi kapag may genuine happiness ka sa heart mo, mas madaling gumising, bumangon araw-araw, at mas madali kang magbibigay ng pagmamahal sa mga tao sa paligid mo.”
ASHTINE OLVIGA'S REMINDER TO HER SUPPORTERS
Maging maingat sa pagbibitaw ng mga salita naman ang paalaala ni Ashtine sa kanyang mga tagasuporta, na sa hindi pa malamang dahilan ay binabatikos ang talent management company na nagbigay sa kanya ng malaking oportunidad sa showbiz — ang Viva Artists Agency (VAA).
Pahayag ng young actress: “Let’s all be careful with our words kasi bawat tao, may kanya-kanyang pinagdadaanan, so hindi naman siguro ganoon kahirap yun para mas hindi natin iparamdam sa tao.
“Parang ipaparamdam natin sa bawat isa na kapag na-encounter nila tayo, ‘O, na-encounter natin ito, mabait siya.’
"So, parang love nila. So, parang mapapagaan natin ang pakiramdam ng bawat isa.”
Bakit sa tingin ni Ashtine bina-bash ng kanyang fans ang talent management company na nagpasikat sa kanya?
“Actually, hindi ko po rin alam masyado.
“Siguro may nasasabi rin sila kasi hindi nila siguro alam lahat po ng nangyayari.
"Siyempre, kung ano lang po yung naka-post sa social media, yun lang po yung may idea sila.
"Pero gusto ko rin lang sabihin na sobrang laki rin talaga ng tiwala sa akin ng Viva, lalo na po si Boss Vic [del Rosario], kaya hindi rin po ako mapupunta dito kung hindi nagtiwala sa akin si Boss Vic.
“Kasi sa girl group before, wala! Dito lang ako, gilid-gilid lang ako talaga, e.
"Kaya sobrang thankful po talaga ako kay Boss Vic, nagtiwala siya sa akin.
“Ibinigay po niya sa akin yung role na Jay-jay, ipinagkatiwala po niya sa akin si Jay-jay.
“Yun po yung parang sobrang laking blessing po sa akin dito sa industry,” sabi ng dating myembro ng P-pop group na LITZ.
Ang tinutukoy na "Jay-jay" ni Ashtine ay ang karakter na ginampanan niya sa Ang Mutya ng Section E.
Read: Andres at Ashtine, makakasama ang co-stars sa fan meet

IS ASHTINE READY TO BECOME A SOLO STAR?
Ang Ang Mutya ng Section E, na pinagbidahan nina Ashtine, Andres Muhlach, at Rabin Angeles, ang pinakamatagumpay na series sa Viva One.
Ang popularidad na tinatamasa ngayon ni Ashtine ang dahilan para tanungin ito kung handa na ba siyang maging solo star o walang loveteam.
Sagot niya: “Siguro sa ganyan po, mas gusto ko yung sa career-wise, mas gusto kong si Boss Vic po yung nagde-decide para sa akin.
"Kasi alam ko na mas alam niya po ito. And kung ano po yung ibigay niya sa akin na project, thankful na din po ako.”
Samantala, tiniyak ni Ashtine na magkakaroon ng Season 2 ang kanilang phenomenal hit series.
“Actually na-announce po namin, magkakaroon po kami ng Season 2.
"And soon po, magsu-shoot na kami for Season 2. Same cast,” balita ni Ashtine na siguradong ikatutuwa ng mga tagasubaybay at tagahanga ng Ang Mutya ng Section E.