Eksaktong isang buwan ngayong araw, Mayo 16, 2025, buhat nang bawian ng buhay ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor noong Abril 16, 2025.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin matanggap ng mga masugid na tagahanga ni Nora ang katotohanang pumanaw na siya.
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
Samantala, patuloy na nagdadalamhati ang matalik na kaibigan ni Nora na si John Rendez.
“Pupoy” ang term of endearment sa isa’t isa nina Nora at John, samantalang “Rocky” naman ang pangalan ng paboritong aso ng aktres na naiwan sa pangangalaga ng singer-actor.
Sa panayam ng Cabinet Files kay John noong Abril 22, sinabi niyang si Rocky ang isa sa mga alaala ni Nora na kanyang pinahahalagahan at minamahal.
Read: John Rendez, humagulgol sa puntod ni Nora Aunor
NORA AUNOR'S BIRTH ANNIVERSARY AND 40TH DAY
Gugunitain sa Mayo 21 ang ika-72 anibersaryo ng pagsilang ni Nora.
Sa Mayo 25 naman ang ika-40 araw ng kanyang kamatayan.
Plano ni John na dalawin ang puntod ni Nora sa Libingan ng mga Bayani sa araw ng kapanganakan ng namayapang Superstar.
Balak din niyang bumisita sa Iriga City, Camarines Sur, ang bayang sinilangan ng legendary actress.
Ramdam na ramdam sa mga social media post ni John ang matinding kalungkutan at pangungulilang nararamdaman niya dahil sa pagpanaw ni Nora.
Read: Nora Aunor's death hits John Rendez hard: "Parang hindi totoo."
Sa isang Facebook post ni John, ipinahayag niya: “I try to pretend when I get home you will be there and it makes me very sad.”
Sa kanyang mahabang mensahe para sa kanyang “Pupoy,” inilahad ni John:
“It’s still hard to accept that our beloved Superstar and National Artist is gone.
“My greatest hurt is that I was not able to see her one last time before she was put into the ground. By that time natakpan na po yung coffin niya.
“I have so many regrets in my life but she never gave me any reason for regret.
"She was the one good thing in my life. She gave me purpose. She gave me hope. She gave me love, unconditional love.
“Not one night or day passes by that I don’t think about her."
Direktang mensahe ni John para sa Superstar: "Pupoy ko, ang sakit po. Sana po magkita tayo soon.
“Ang sabi ko sa iyo kung saan ka susunod po ako sa iyo. Ako ang shadow mo.
“God bless you and thank you for the many years you gave me happiness. I don’t know if I’ll be able to smile again.
“I love you so much. Higit pa sa buhay ko. Hopelessly devoted po ako sa iyo.
"Goodnight my love. Sana po I’ll see you again soon. Diyos na po ang bahala.
“I love you forever and beyond. I’ll never forget you po.
"God bless you po Miss Nora Aunor. My one and only true love, my soulmate. Miss you so much.”
Related Stories: