Trigger Warning: Mention of video scandal
Makalipas ang labing-isang taon, muling nagsalita ang TV host na si Paolo Bediones tungkol sa kanyang viral intimate videos na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya — personal at propesyonal.
Hindi malilimutan ni Paolo ang petsang Hulyo 27, 2014 dahil ito ang araw na kumalat ang kanyang pribado at intimate videos.
Ikinuwento ni Paolo sa Cabinet Files na pinapalitan niya ang baterya ng kanyang laptop noong 2010.
Lingid sa kanyang kaalaman, nabuksan at nakita ng hindi nakilalang computer technician ang mga maseselang video niya.
Sa loob ng apat na taon, nakatanggap si Paolo ng pananakot na ikakalat ang mga video kapag hindi siya nagbigay ng tatlong milyong piso.
Lahad niya: “They never found out who it was, also because at that time, it spread too quickly to pinpoint the origin.
"I remember receiving the letter while I was doing my radio program around 2010. I called the number and they were asking for PHP3M.
“They communicated via mailed letter for four years and kept sending it to my place of work.
"All the evidence was turned over to the authorities who tried to assist me.
“I guess when they realized they would get nothing from me, that’s when they released it,” sabi ni Paolo tungko sa kanyang video scandal.
Read: Paolo Bediones refuses to play victim card in video scandal
Ibinahagi ni Paolo sa Cabinet Files ang kopya ng sulat.
Nakasaad dito: “Hawak ko ngayon ang mga sex video mo. madali naman akong kausap!
"Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako. Antayin ko ang tawag mo!
"Wag mo patagalin mainipin ako."
Nasa ibaba nito ang cellphone number ng dapat niya umanong tawagan.
Hindi na nalaman ni Paolo ang taong nasa likod ng pagkalat ng mga video.
Ginawa raw niya ang lahat ng paraan upang mabura sa Internet ang mga kopya pero nabigo siya.
“I hired 'experts' who claimed they could do it and order the takedowns… then… you can guess what happened after they were paid,” masakit na katotohanang napagtanto ni Paolo.
Pero makaraan ang labing-isang taon, natanggap na raw niya ang buong pangyayari kaya may kapayapaan na ang kanyang kalooban.
Read: Paolo Bediones, kabado sa pagbabalik-TV niya pagkatapos ng limang taon
TAKING BACK HIS LIFE
Isasalaysay ni Paolo ang matinding pagsubok na naranasan sa pamamagitan ng video essay na may pamagat na “How to Take Back Your Life When the World Around You Collapses.”
Mapapanood ito sa YouTube channel ng Peanut Gallery Media Network.
Sa ekslusibong panayam ng Cabinet Files kay Paolo, sinabi nitong umaasa siyang makakatulong ang kanyang video essay sa mga taong nakararanas ngayon ng pinagdaanan niya noon.
Pahayag niya: “I am just hoping, through the video, I can help other people who are going through anything similar, so they know there is a way to handle it and come out not just surviving but one day thriving.”
Si Paolo ay anak ni Maria Teresa Barba, ang anak ni Fortuna Marcos Barba na pinakabatang kapatid ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Read: Paolo Bediones admits he suffered from depression over video scandal