PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga, hindi raw pinapasok sa utak ang kasikatan

Ang Mutya ng Section E, mapapanood na rin sa TV5.
by Jojo Gabinete
Published May 19, 2025
ashtine olviga popularity
Ashtine Olviga on her current popularity: "Sobrang lahat po ng nangyayari ngayon, ang masasabi ko, hindi pa rin po ako makapaniwala. Kasi, yung fact po na nagka-work po ako, nagkaroon po ng Mutya, sobrang okay na po ako dun. Sobrang laking blessing na po nun sa akin... At ngayon, sobrang thankful talaga ako."
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram

Mapapanood na ang Ang Mutya ng Section E sa TV5 simula ngayong Lunes, Mayo 19, 2025, sa ganap na 6:45 P.M.

Ang Mutya ng Section E ang Viva One hit series na pinagbibidahan nina Ashtine Olviga, Andres Muhlach, at Rabin Angeles.

Ngayon ding araw ang ika-26 kaarawan ni Ashtine.

Para sa kanya, panibagong biyayang natanggap ang pagpapalabas sa Kapatid Network ng youth-oriented series na nagpasikat sa kanila nina Andres at Rabin.

Saad niya: “Another blessing kasi hindi lang po siya mapapanood sa Viva One kundi marami na rin po ang mga tao na makakapanood.

"Titingnan po namin kung susuportahan or kung mas marami pa po yung magmamahal sa amin at sa show namin."

Read: Ashtine Olviga, kinabahan sa kissing scene nila ni Andres Muhlach

ASHTINE ON HER NEWFOUND POPULARITY

Tanggap ni Ashtine ang popularidad na tinatamasa sa kasalukuyan, pero hindi raw niya hinahayaang pumasok ito sa utak.

Sa kanyang sariling salita: “Parang ayoko rin pong mabago kung anuman po ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang lahat po ng nangyayari ngayon, ang masasabi ko, hindi pa rin po ako makapaniwala.

"Kasi, yung fact po na nagka-work po ako, nagkaroon po ng Mutya, sobrang okay na po ako dun.

“Sobrang laking blessing na po nun sa akin and sobrang bonus po na kinagat po, minahal po kami ng tao.

"At ngayon, sobrang thankful talaga ako.

“Sobrang thankful po talaga ako kay Boss Vic kasi alam ko po, siya po talaga yung naniwala sa akin.”

Ang "Boss Vic" na tinutukoy ni Ashtine ay ang chairman at CEO ng Viva Group of Companies na si Vic del Rosario.

Read: Ashtine Olviga, may pakiusap sa supporters na namba-bash sa Viva

ASHTINE SAYS SHE STILL COMMUTES

Sa kabila ng tagumpay ng Ang Mutya ng Section E, wala umanong nagbago sa lifestyle ni Ashtine.

Bbumibiyahe pa rin daw siya, sakay ng MRT at sa motorsiklo, para sa kanyang mga showbiz commitment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Minsan kasi mas madaling mag-MRT, di ba po? Mas madali siya, mas mabilis.

“Mas madaling mag-commute. Pinipili ko rin naman po yung oras, like kapag hindi po rush hour.

“Minsan po, may mga nagpapa-picture po pero hindi naman po yung dumog level. Parang, ‘Ay, si Ashtine, pa-picture!’ Yun lang.”

Sumasakay naman daw siya ng motorsiklo kapag pauwi na siya para hindi masyadong pawisan sa biyahe.

Nakapagpundar na si Ashtine ng sariling sasakyan, pero nasa bayan daw nila ito sa lalawigan ng Quezon dahil ginagamit ng nanay niya.

“Meron naman po kaming car kaso nasa province. Ginagamit po kasi ni Mommy,” sabi ni Ashtine.

Pursigido rin si Ashtine magkaroon ng sariling tahanan sa Metro Manila para pa rin sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Saad niya: “Bukod po sa more projects, ang wish list ko, magkaroon po ng bahay dito sa Maynila para po kapag luluwas sina Mommy, meron kaming tutuluyan na mas comfortable.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Andres at Ashtine, makakasama ang co-stars sa fan meet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga on her current popularity: "Sobrang lahat po ng nangyayari ngayon, ang masasabi ko, hindi pa rin po ako makapaniwala. Kasi, yung fact po na nagka-work po ako, nagkaroon po ng Mutya, sobrang okay na po ako dun. Sobrang laking blessing na po nun sa akin... At ngayon, sobrang thankful talaga ako."
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results