PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez, di na bibisitahin ni Yilmaz Bektas sa Pilipinas?

Ruffa Gutierrez, ayaw nang hiramin ang mga alahas ni Annabelle Rama.
by Jojo Gabinete
Published May 20, 2025
ruffa gutierrez jewelry
Ruffa Gutierrez on not borrowing mom Annabelle Rama's jewelry for her scenes in Beauty Empire: "Kasi, every time na hinihiram ko yung mga alahas ni Mommy, may apat siyang ipinapadalang security. And every minute, tumatawag siya. ‘O, yung mga alahas ko, 'Day, baka mawala!' Nai-stress ako, hindi ako makapag-memorize."
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram

Makaraan ang maraming taon, muling mapapanood si Ruffa Gutierrez sa isang programa ng GMA-7.

Isa siya sa mga bida ng Beauty Empire, ang primetime drama series ng Kapuso Network na nakatakdang ipalabas sa Hunyo 2025.

“Malapit nang ipalabas yung Beauty Empire. We’re currently taping right now and ilalabas iyon sa aking birthday month sa June,” kuwento ni Ruffa sa Cabinet Files.

Sa June 24 ay magdiriwang si Ruffa ng kanyang 51st birthday.

Read: Ruffa Gutierrez, "napupunta ang sweldo" sa pag-aaral ng mga anak

Nakausap namin si Ruffa nang ipinakilala siya bilang collaborator at celebrity ambassador ng Magical Gems by Isabel and Alexandria ngayong Martes, Mayo 20, 2025.

Ang Magical Gems ay ang Davao-based jewelery company na nagpagamit ng mga mamahaling alahas na isinuot ni Ruffa sa kanyang mga eksena sa Beauty Empire.

Mas pinili ni Ruffa na gamitin ang mga alahas ng Magical Gems kesa sa mga ipinahihiram ng kanyang nanay na si Annabelle Rama para raw makaiwas siya sa stress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng aktres: “For Beauty Empire, sinabi ko talaga, 'Ma, ayoko nang hiramin yung mga alahas mo.'

"Kasi, every time na hinihiram ko yung mga alahas ni Mommy, may apat siyang ipinapadalang security. And every minute, tumatawag siya.

“‘O, yung mga alahas ko, 'Day, baka mawala!' Nai-stress ako, hindi ako makapag-memorize.

"So, ngayon, ginagamit ko yung alahas ng Magical Gems.

"Nagbabantay po yung anak ni Sir Harry [Chua] at ang kanyang girlfriend, pero hindi nila ako kinukulit tungkol sa alahas kasi nakabantay talaga sila."

RUFFA ON YILMAZ'S SUPPOSED VISIT TO THE PHILIPPINES

Natawa naman si Ruffa nang sagutin ang katanungan tungkol sa planong pagbisita sa Pilipinas ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas para magkita sila at ang kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

Read: Yilmaz Bektas confirms news about visiting the Philippines

“Well, parang nanonood yata siya ng videos online. Parang ayaw na niyang pumunta.

"Buti, nagpadala pa ng allowance so, I think, magkikita na lang sila sa abroad!” natatawang sabi ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi siya nagbigay ng detalye, maaaring ang tinutukoy niya ay ang "videos online" nila ng kanyang current partner na si Herbert Bautista.

Read: Ruffa Gutierrez flexes bonding time with Herbert Bautista

RUFFA'S MOST VALUABLE JEWELRY

Nang tanungin tungkol sa alahas na itinuturing niyang pinakamahalagang investment, sinabi ni Ruffa na ito ay ang engagement ring mula kay Yilmaz.

Pero naiwan daw niya ang nabanggit na alahas sa Istanbul, Turkiye, nang magpasya siyang bumalik sa Pilipinas.

Saad niya: “My jewelry kasi, ibinigay sa akin ng tatay ng mga anak ko... maganda siya, it’s an engagement ring.

"Iniwan ko sa safe sa Istanbul nung umalis ako. So, hindi ko siya nadala.

"But I remember that being one of my best investments during that time. Kaso, nagmamadali nga akong umuwi sa Pilipinas, naiwan ko siya dun.

“Di ba, sabi nila, kapag alahas or jewels or precious gems, madaling bitbitin wherever you go, kasi you just put it in the bag and you can leave.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung paintings, mga lupa, medyo mas mahirap."

Postscript: Si Ruffa ang espesyal na panauhin sa pagbubukas ng Magical Gems by Isabel and Alexandria boutique sa Abreeza Mall, Davao City, sa Hunyo 3.

Pinasalamatan ni Ruffa ang Magical Gems owner na si Harry Lopez Chua dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

Sabi naman sa kanya ni Chua: “This is such a blessing. Ruffa, you are a gift from heaven. I never expected this to happen.

"We are homegrown Davao company. We’re small, modesty aside, this is our first outing.”

Read: Ruffa Gutierrez, "napupunta ang sweldo" sa pag-aaral ng mga anak

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on not borrowing mom Annabelle Rama's jewelry for her scenes in Beauty Empire: "Kasi, every time na hinihiram ko yung mga alahas ni Mommy, may apat siyang ipinapadalang security. And every minute, tumatawag siya. ‘O, yung mga alahas ko, 'Day, baka mawala!' Nai-stress ako, hindi ako makapag-memorize."
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results