PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedians, vloggers, dating child stars nag-audition sa Bubble Gang

Sinu-sinong celebs ang nag-audition para sa Bubble Gang?
by Jojo Gabinete
Published May 21, 2025
Revamped Bubble Gang is now called BBLGANG
The cast and director of Bubble Gang: (from left) Chariz Solomon, Cheska Fausto, Ana Barro, director Frasco Mortiz, Michael V, Paolo Contis, Kokoy de Santos, Buboy Villar, and Betong Sumaya.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Dinagsa ang ipinatawag na audition para sa mga nagnanais maging miyembro ng gag show ng GMA-7 na Bubble Gang noong Lunes, Mayo 19, 2025.

Dalawandaan at dalawampu’t tatlo (223) ang eksaktong bilang ng mga lumahok sa audition.

Mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ang dapat na oras ng audition, pero tinapos ito ng alas-tres ng hapon dahil sa dami ng mga dumating at nangangarap maging mainstay ng longest-running sketch comedy show ng Pilipinas.

Read: Bubble Gang, naghahanap ng bagong comedians

CELEBS WHO AUDITIONED FOR BUBBLE GANG

Surprisingly, hindi lamang ang mga magagaling magpatawa ang namataan sa audition.

Nagbakasakali rin ang mga dramatic actor at dating child stars na sina Migz Cuaderno at Barbara Miguel.

Sumali rin sa audition na tinawag na "BBL Gang ng Bayan" ang comedian na si TJ Valderrama, ang content creator na si Macoy Dubs, at ang miyembro ng Japanese trio na SkyGarden na si Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan din ng ibang vloggers at content creators ang kanilang kapalaran.

Read: Ninong Ry overwhelmed ang utak sa collab nila ni Michael V

Dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng mga gustong maging bahagi ng programa ng GMA-7, pinaplanong muling magkaroon ng audition.

Ang announcement nito ang dapat hintayin ng aspiring comedians at Bubble Gang mainstays.

Ipagdiriwang ng Bubble Gang ang ika-30 anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang espesyal na pagtatanghal sa Oktubre 20, 2025.

Kasabay nito ang pagpapakilala sa mga mapapalad na napili para maging co-stars nina Michael V., Paolo Contis, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Matt Lozano, EA Guzman, Betong Sumaya, Ana Barro, Cheska Fausto, at Chariz Solomon.

Read: Michael V honored at 3rd Philippine Film Industry Month

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cast and director of Bubble Gang: (from left) Chariz Solomon, Cheska Fausto, Ana Barro, director Frasco Mortiz, Michael V, Paolo Contis, Kokoy de Santos, Buboy Villar, and Betong Sumaya.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results