PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana, nag-react sa mga batikos matapos ang election loss

Anjo Yllana: “Ay grabeh naman sa comments..."
by Jojo Gabinete
Published May 21, 2025
anjo yllana election loss
Anjo Yllana: “My point is it is not a sin or a crime if you want to live and run for an elective position in places of your choice... The Law also states that you need 6 months residency to vote and 1 year to run for public office. Huwag po bitter o mapangsira ng kapwa tao."
PHOTO/S: Anjo Yllana Vice Mayor Calamba City Facebook

Sinagot ni Anjo Yllana ang matitinding batikos ng netizens kaugnay ng panayam ng Cabinet Files sa kanya tungkol sa nabigo niyang pagkandidato bilang vice-mayor ng Calamba City, Laguna, sa halalang idinaos noong Mayo 12, 2025.

Malinaw na naapektuhan si Anjo sa masasakit na paratang ng ilang netizens na nag-comment sa Facebook page ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaya hindi niya napigilan ang sariling magkomento rin.

Read: Anjo Yllana, naka-recover na sa pagkatalo bilang vice-mayor

Isa sa mga akusasyon laban kay Anjo ay hindi umano siya lehitimong residente ng Calamba.

Ayon sa actor-politician, lingid sa kaalaman ng publiko, may sariling bahay ang kanilang pamilya sa Calamba. Binili raw nila ito para maging tahanan ng kanilang ina na matagal nang may karamdaman.

Pinili raw nilang manirahan sa Calamba dahil sa sariwang hangin na malaking tulong sa kalusugan ng nanay niya.

May paliwanag din si Anjo tungkol sa palipat-lipat na paninirahan sa iba’t ibang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati na ang paglilingkod niya bilang konsehal ng Parañaque City (Hunyo 1998 -Hunyo 2004); vice-mayor ng Parañaque City (Hunyo 2004 - Hunyo 2007); konsehal ng fifth district ng Quezon City (Hunyo 2013-Hunyo 2019); at pagkandidatong bise-alkalde ng Calamba City sa katatapos na eleksyon.

Sinagot din ni Anjo ang mga negatibong komento tungkol sa kanyang pahayag sa PEP na, “Broken-hearted ako not because I lost but because, ang dami ko sanang matutulungan kung nanalo ako. Nanghihinayang ako dahil ang laki sana ng gagawin ko sa Calamba.”

Read: Tatlong Yllana brothers, tatakbo sa 2025 elections

ANJO YLLANA'S FULL STATEMENT

Buong komento ni Anjo sa Facebook post ng PEP.ph: “Ay grabeh naman sa comments.

"Humility lang po. Wala pong masama dumiskarte para makatulong ng tao.

"Unang-una, kailangan ko yung opisina to facilitate all the requirements like resumé, medical, and NBI to name a few.

“And to be functional, dapat my staff ako [dahil] marami kasing gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Anyway, do not be bitter and assuming if an individual wants to help even if I have only stayed here for 4 years.

“Si Jesus po pinanganak sa Bethlehem tapos tumira sa Nazareth, nagkarpentero, umalis at nag-preach. No records saan Siya po pumunta at umikot.

“I mean di kumpleto ilang years di na documented. Bumalik siya ng Jerusalem kung saan siya nanirahan after Nazareth.

“Alam niyo na nangyari siguro pagbalik niya sa Jerusalem."

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

Iginiit din ni Anjo na hindi krimen ang kumandidato sa lugar na pinili ng mga nais maglingkod sa bayan.

Saad niya: “My point is it is not a sin or a crime if you want to live and run for an elective position in places of your choice.

“Mababait mga Calambeño and marami, like me, dayo, like my kababayans from Region 5 (Bicol) and people from the Visayas and Mindanao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The Law also states that you need 6 months residency to vote and 1 year to run for public office.

“Huwag po bitter o mapangsira ng kapwa tao.

"And for the record, ang may pinakamalaking ninakaw ayon sa kasaysayan ay hindi artista kung hindi abogado. History 101."

Kalakip ng kanyang komento ang laughing emojis, kahit isang mabigat na pang-iinsulto at panghuhusga laban sa kanya ang komentong “magnanakaw” lamang siya sa kaban ng bayan kapag nanalo.

Read: Anjo Yllana, empleyado na sa Senado; naging close kay Senator Robin Padilla

anjo yllana post
Photo/s: Screen grab from PEP Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana: “My point is it is not a sin or a crime if you want to live and run for an elective position in places of your choice... The Law also states that you need 6 months residency to vote and 1 year to run for public office. Huwag po bitter o mapangsira ng kapwa tao."
PHOTO/S: Anjo Yllana Vice Mayor Calamba City Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results