PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

UPDATED: Brass star ni Jericho Rosales sa Walk of Fame, nawawala?

Pangalan ng ilang celebs na may brass star sa Walk of Fame, mali ang spelling.
by Jojo Gabinete
Published May 22, 2025
jericho rosales walk of fame
Jericho Rosales' brass star at Eastwood City Walk of Fame, which was awarded to him in 2010, is now missing.
PHOTO/S: YouTube / Jojo Gabinete

Maaaring nasira ang brass star ni Jericho Rosales sa Eastwood Walk of Fame sa Eastwood City, Libis, Quezon City, kaya nawala ito sa lugar na kinalalagyan.

Natukoy lamang ng Cabinet Files ang puwesto ng brass star ng Kapamilya actor nang panoorin namin ang lahat ng videos sa YouTube na may kinalaman sa proyektong inumpisahan ng pumanaw na TV host at star builder na si German Moreno noong 2005.

Napapagitnaan ng mga brass star nina Freddie Aguilar at Dingdong Avanzado ang "missing star" ni Jericho, na pinarangalan noong Disyembre 2010.

Pero walang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagkawala ng kanyang bituin at kung kailan ito maibabalik ng mga namamahala sa Eastwood Walk of Fame.

Read: Kuya Germs shrugs off criticisms on Walk of Fame which is now on its fifth year; defends inclusion of Jacky Woo

MISSPELLED BRASS STARS AT WALK OF FAME

Disyembre 2006 naman nang pagkalooban ang award-winning actor na si Phillip Salvador ng bituin sa Walk of Fame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero labingwalong taon na ang nakalilipas, hindi pa rin binabago ang maling spelling o baybay sa kanyang pangalan.

Doble at hindi isang letrang L lamang ang wastong pangalan ni Phillip.

phillip salvador walk of fame
Photo/s: YouTube

Mahalaga sa bawat tao na tama ang kanilang mga pangalan kaya hindi kalabisan, at panahon na, para ayusin at ituwid ng mga namamahala sa Eastwood Walk of Fame ang maling baybay sa mga pangalan ng iba pang celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang na rito sina Ronnie Ricketts (Ricketts, hindi "Rickets"), Tina Monzon-Palma (Monzon, hindi "Munzon"), at Zenaida Amador (hindi "Zeneida").

ronnie tina zenaida walk of fame
Photo/s: YouTube

Walk of Fame inductees sina Ronnie noong Disyembre 2010; Tina noong Disyembre 2011; at Zenaida noong Disyembre 2016 (posthumous).

Maraming taon na ang nakararaan mula nang parangalan sila ng sariling bituin sa Walk of Fame.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hanggang sa kasalukuyan, walang kumikilos para ituwid ang maling spelling ng kanilang mga pangalan at apelyido.

Gumawa naman ng kasaysayan sa Walk of Fame si Charice Pempengo na dalawang beses binigyan ng brass star.

Una, noong Disyembre 2010.

Noong Nobyembre 2017, muli siyang pinagkalooban ng bituin bilang Jake Zyrus, ang pangalan na kanyang pinili nang magpasya siyang maging ganap na trans man.

charice jake zyrus walk of fame
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EASTWOOD CITY WALK OF FAME ISSUES STATEMENT

Makaraan lamang ang ilang sandali ay nagkomento ang pamunuan ng Eastwood City Walk of Fame sa comments section ng official Facebook account ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nilinaw ng Eastwood City Walk of Fame na kasalukuyang sumasailalim sa "scheduled refurbishment" ang ilang brass stars, kabilang na ang kay Jericho, bilang bahagi ng kanilang "maintenance program."

Isinasagawa raw nila ito upang matiyak na ang bawat star ay "properly preserved and maintained."

Ibabalik daw nila ang star na ito sa Walk of Fame sa mga susunod na linggo.

Wala pa silang pahayag tungkol sa misspelled na pangalan ng mga artistang may star sa Walk of Fame.

Narito ang kabuuang pahayag ng pamunuan ng Eastwood City Walk of Fame: "Several stars at the Eastwood City Walk of Fame, including that of Mr. Jericho Rosales, are currently undergoing scheduled refurbishment as part of our regular maintenance program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This initiative ensures that each star is properly preserved and maintained as we continue to honor the contributions of our esteemed Walk of Fame inductees. The stars will be returned to the Walk of Fame in the coming weeks."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales' brass star at Eastwood City Walk of Fame, which was awarded to him in 2010, is now missing.
PHOTO/S: YouTube / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results