Mahigit isang taon na ang nakalilipas buhat nang magpaalam sa telebisyon ang Tahanang Pinakamasaya, pero hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling malungkot ang mga host ng defunct noontime program.
Ito ay dahil hindi pa nababayaran ang kanilang mga talent fee.
Ang Tahanang Pinakamasaya ang noontime show ng Television And Production Exponents (TAPE) Inc. na napanood sa GMA Network mula Enero 6, 2024 hanggang Marso 2, 2024.
Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air
Eat Bulaga! ang dating pamagat ng Tahanang Pinakamasaya.
Pinalitan ang titulo ng programa ng TAPE dahil pinaboran ng Intellectual Property Office of the Philippines ang Eat Bulaga! original hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa kanilang inihaing copyright case.
Read: Court of Appeals affirms TVJ owns Eat Bulaga! trademark
Noong Huwebes, Mayo 22, 2025, inilabas ng GMA management ang balita ng pagsasampa nila ng criminal complaint na estafa with abuse of confidence laban sa pamunuan ng TAPE.
Ito ay dahil umano sa misappropriation of funds na nagkakahalaga ng P37,941, 352.56.
Read: GMA Network files estafa complaint against TAPE executives
TAHANANG PINAKAMASAYA HOSTS' TALENT FEE
Nang makarating sa dating hosts ng Tahanang Pinakamasaya ang reklamo ng GMA laban sa TAPE, umasa silang mapagtutuunan na rin ng pansin ang kanilang problema — ang talent fee na pinaghirapan pero hindi pa nababayaran.
Malaki ang sisingilin ng mga host ng Tahanang Pinakamasaya dahil halos dalawang buwan ang pagkakautang sa kanila ng TAPE.
Kabilang sa hosts ng defunct noontime show sina Paolo Contis, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Michael Sager, Arra San Agustin, Yasser Marta, Alexa Miro, Kimpoy Feliciano, at Mayor Isko Moreno.
Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?
Mga contract star ng Sparkle GMA Artist Center ang karamihan sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya.
Tiyak na may paraang ginagawa ang talent management arm ng GMA-7 para mabayaran ng TAPE ang pagkakautang nito sa kanilang mga talent.
Mababait at maaayos kausap ang pagsasalarawan ng hosts ng Tahanang Pinakamasaya kay TAPE President at CEO Romeo "Jon" Jalosjos Jr. at sa kapatid nito at company treasurer na si Seth Frederick “Bullet” Jalosjos.
Nananalig silang tutuparin ng magkapatid ang pangakong babayaran ang mga pagkakautang sa kanila, kahit mahigit isang taon na ang nakararaan.
Si Bullet ang incumbent mayor ng Dapitan, Zamboanga del Norte.
Kumandidato siyang gobernador ng naturang lalawigan sa naganap na halalan noong May 12, 2025, pero hindi siya pinalad manalo.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay walang inilalabas na pahayag ang TAPE kaugnay ng reklamong isinampa sa kanila ng GMA-7.
Read:130 empleyado nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya