Ang matinding paghanga kay Willie Revillame ang nag-udyok kay Nico Martin Amparo ng Meycauyan, Bulacan, para ipa-tattoo sa katawan ang mukha ng TV host.
Hindi lamang ang mukha ni Willie ang pina-tattoo ni Nico kundi pati pangalan, araw ng kapanganakan, lagda, pamagat ng kanta ("Siyempre"), at TV show ng TV host ay pina-tattoo rin niya sa kanyang katawan.
Read: Willie Revillame, tahimik na ipinagluksa ang pagpanaw ng ina

“Naging idol ko po si Kuya Wil nung time na nanonood ako sa studio ng live show niya.
"Nakita ko po na masasaya ang mga tao kapag nakikita siya, kaya parang ang sarap ng pakiramdam na napapasaya niya ang mga tao at natutulungan niya ang ating mga kababayan,” rebelasyon ni Nico nang makausap ng Cabinet Files ngayong Biyernes, Mayo 23, 2025.
Bukod dito, isa rin daw "inspirasyon para sa lahat" ang TV host na tumakbong senador nitong 2025 elections.
Mula sa pagiging drummer, naging matagumpay at bilyonaryo na ngayon si Willie.
Ayon pa kay Nico: “Dapat maging inspirasyon si Kuya Wil dahil successful na siya sa buhay.
"Lahat halos ng bagay, nasa kanya na po.”
Read: Sugar Mercado confirms past relationship with Willie Revillame
TATTOOS TO HONOR WILLIE REVILLAME
Taong 2001 daw nang unang mapanood nang personal ni Nico si Willie bilang isa sa hosts ng dating ABS-CBN noontime show na Magandang Tanghali Bayan.
Mula noon, sinubaybayan na ni Nico ang lahat ng pangyayari sa buhay ng iniidolo nitong TV host.
Bilang parangal sa idolo, ipina-tattoo niya sa katawan ang mukha ni Willie.
Lahad ni Nico: “Noong 2012, naisipan ko pong ipa-tattoo sa legs ko ang mukha ni Kuya Wil.
“And then, noong 2016, ipina-tattoo ko uli ang mukha niya sa binti ko.
"Five thousand [pesos] po ang ibinayad ko sa bawat tattoo dahil portrait.
"Dapat PHP10K each pero naka-discount naman ako dahil friend ko yung tattoo artist."
Tuwang-tuwa si Nico dahil nang magkita sila nang personal ni Willie, naantig nang husto ang damdamin ng TV host sa paghangang ipinamalas nito.

May plano si Nico na dagdagan ang Willie Revillame tattoos sa kanyang katawan at gagawin daw niya ito kapag may budget na siya.
“Idol ko po siya kaya kahit ilang tattoo pa po ng mukha ni Kuya Wil, ipalalagay ko po sa katawan ko.
"Walang problema dahil nakatatak na po siya sa puso at isipan ko," sabi ng 40-year old avid at loyal fan ni Willie.
Read: Willie Revillame, bitbit pa rin ang trauma ng Wowowee tragedy