PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

98 Degrees at SB19 may collab sana

Nagulat ang local entertainment press nang banggitin ng 98 Degrees ang SB19.
by Jojo Gabinete
Published May 24, 2025
98 Degrees, SB19
Rebelasyon ng isang miyembro ng American '90s boygroup na 98 Degrees (kaliwa), may pag-uusap noon para magkaroon sila ng collab sa P-pop group na SB19 (kanan). Hindi nga lang ito natuloy.
PHOTO/S: @98degrees IG / @officialsb19 IG

Sa mediacon ng American '90s boyband na 98 Degrees, tinanong sila ng local entertainment press tungkol sa tagumpay ng K-Pop sa global music industry.

Nagulat ang local press nang banggitin ng member na si Jeff Timmons ang P-pop boyband na SB19.

“Absolutely!” ang sagot ni Jeff sa tanong kung kilala niya ang SB19.

“The group SB19, who we’re familiar with. There were some talks for a while of us collaborating with the band.

"What they have done here in the Filipino market and all over the world, sort of taking that K-pop,” patuloy ni Jeff na ikinatuwa ng mga dumalo sa media conference para sa dalawang gabing pagtatanghal ng 98 Degrees sa Mall of Asia Arena, Pasay City, sa May 30 at 31, 2025.

Hindi na nagbigay ng detalye si Jeff tungkol sa hindi natuloy na pakikipagsanib-puwersa ng 98 Degrees sa SB19, pero marami ang nanghinayang dahil hindi nga ito nagkaroon ng katuparan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nagtaka ang ibang miyembro ng entertainment press dahil kasama ang pangalan ni Alden Richards sa guest list para sa media conference ng 98 Degrees na idinaos noong Huwebes, Mayo 23, sa Solaire Resort & Casino.

Nasagot ang pagtataka ng entertainment press nang malaman nilang “investor" sa 98 Degrees' show ang Myriad Entertainment Corporation, ang events at entertainment company na pag-aari ni Alden.

Hindi naman namataan si Alden hanggang sa matapos ang media conference.

Ang concert ng 98 Degrees ay isa lamang sa maraming partnership ni Alden at ng Viva Entertainment, ang kumpanya ni "Boss" Vic del Rosario.

Ang aktres na si Phoebe Walker ang host ng naganap na presscon at ikinatuwa nito na siya ang napiling moderator dahil kilala niya ang members ng 98 Degrees, kahit pitong taon pa lamang siya nung sumikat ang grupo noong dekada ’90.

Phobe Walker with 98 Degrees
Aminadong fan ng 98 Degrees si Phoebe Walker (gitna), kahit na seven years old pa lang daw siya noong sumikat noong '90s ang American boygroup.
Photo/s: Courtesy of Phoebe Walker
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sakses!” reaksyon ni Phoebe tungkol sa close encounter niya sa mga miyembro ng 98 Degrees.

“ A pinch-me moment today as I got to host and meet the guys from 98 Degrees! Can’t wait to see them live in concert next week at SM MOA Arena!”

98 DEGREES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rebelasyon ng isang miyembro ng American '90s boygroup na 98 Degrees (kaliwa), may pag-uusap noon para magkaroon sila ng collab sa P-pop group na SB19 (kanan). Hindi nga lang ito natuloy.
PHOTO/S: @98degrees IG / @officialsb19 IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results