PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

National Artist Lino Brocka napabayaan na ang libingan?

Bakit hindi pa ilipat ang mga labi niya sa Libingan ng mga Bayani?
by Jojo Gabinete
Published May 25, 2025
Lino Broka and his tombstone in Himlayang Pilipino
Direktor Lino Brocka, idineklarang National Artist for Film and Broadcast Arts nung 1997, anim na taon matapos niyang pumanaw. Sa kabila nito, tila napapabayaan na ang libingan niya sa Himlayang Pilipino.
PHOTO/S: File

PUMANAW NA NATIONAL ARTISTS NG ENTERTAINMENT INDUSTRY

Ngayong Linggo, Mayo 25, 2025, ang ika-apatnapung araw mula nang bawian ng buhay noong Abril 16 ang superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

RELATED STORY

Ginunita ito ng kanyang pamilya at mga tagahanga sa pamamagitan ng isang banal na misa sa kanyang puntod sa Libingan ng mga Bayani.

Bago sumapit ang ika-72 na kaarawan ni Nora noong Mayo 21, ipinaayos na ng mga anak niya ang kanyang libingan na meron nang marmol na lapida.

Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments

Nakalagay sa lapida ang taon ng kapanganakan at kamatayan ni Nora. Meron din itong bituin at face-profile photo niya, pero nananatili ang payak na puting krus na may nakasulat na "Nora C. Villamayor, Natl Artist Film And Broadcast Arts, 21 May 1953 - 16 Apr 2025, Nora Aunor, Superstar."

Nora Aunor tombstone
Ang krus sa puntod ni Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katabi ng puntod ni Nora ang libingan ng kanyang kapwa National Artist, si Ishmael Bernal.

Siya ang direktor ng maraming critically acclaimed movies, kasama ang Himala (1982) at Ikaw Ay Akin (1978), dalawa sa mga pelikulang pinagsamahan nina Nora at Bernal bilang aktres at direktor.

Ang krus sa puntod ni Direktor Ishmael Bernal sa Libingan ng mga Bayani.
Ang krus sa puntod ni Direktor Ishmael Bernal sa Libingan ng mga Bayani.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Atake sa puso ang ikinamatay ni Bernal noong Hunyo 2, 1996, at inilibing ang kanyang mga labi sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora, Quezon City.

Noong 2001, idineklarang National Artist for Film (posthumous) si Bernal, at noong Mayo 22, 2023, naglabas ng ulat ang Cabinet Files tungkol sa napabayaang puntod ni Bernal sa Himlayang Pilipino.

Makikita noon kung paanong napabayaan ito dahil biyak na ang kanyang lapida o gravestone.

Ang basag na lapida ni Ishmael Bernal sa Himlayang Pilipino.
Ang basag na lapida ni Ishmael Bernal sa Himlayang Pilipino noong 2023.
Photo/s: File
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero noong Setyembre 14, 2024, hinukay at inilipat sa Libingan ng Mga Bayani ang mga labi ni Bernal, at imbes na lapida, isang krus na puti na nagtataglay ng kanyang pangalan at may nakasulat na National Artist for Film ang palatandaan ng libingan niya.

Read: Nora Aunor at Ishmael Bernal, reunited sa Libingan ng mga Bayani

LINO BROCKA SUFFERS THE SAME FATE

Gaya ni Bernal, Pambansang Alagad ng Sining si Lino Brocka.

Ito ay binawian ng buhay sa edad na 52 nang maaksidente ang kotseng sinasakyan niya noong Mayo 22, 1991.

Idineklara si Brocka bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 1997, anim na taon makaraan niyang pumanaw.

Nakatrabaho ni Nora si Brocka sa Bona (1980), isa sa mga itinuturing na importanteng proyekto sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Sa kabila ng kanyang estado bilang National Artist, si Brocka ay nananatiling nakalibing sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Lapida ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Direktor Lino Brocka sa Himlayang Pilipino.
Lapida ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Direktor Lino Brocka sa Himlayang Pilipino.
Photo/s: File

Hindi pa ito inililipat sa Libingan ng Mga Bayani, katulad ng ginawa sa bangkay ni Bernal.

Kinumpirma ng isang tauhan ng Himlayang Pilipino na nakausap ng Cabinet Files ngayong Linggo, Mayo 25, na nakalibing pa rin si Brocka sa nabanggit na memorial park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang taon na ang nakalilipas buhat nang maglabas ang Cabinet Files ng ulat tungkol sa tila napababayaang puntod ni Brocka sa Himlayang Pilipino na dapat pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direktor Lino Brocka, idineklarang National Artist for Film and Broadcast Arts nung 1997, anim na taon matapos niyang pumanaw. Sa kabila nito, tila napapabayaan na ang libingan niya sa Himlayang Pilipino.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results