PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandro Muhlach, dadalo kaya sa GMA Gala ngayong taon?

Mag-iisang taon na ang sinabing traumatic experience ni Sandro sa GMA Gala.
by Jojo Gabinete
Published May 25, 2025
Sandro Muhlach
Mag-iisang taon na mula nang magsampa ng reklamo si Sandro Muhlach dahil sa diumano'y nangyaring pang-aabuso sa kanya pagkatapos dumalo ng GMA Gala 2024. Ngayong taon, dadalo kaya uli siya?
PHOTO/S: @sandromuhlach Instagram

Magaganap sa isang five-star hotel sa Agosto 2, 2025, ang annual GMA Gala ng GMA Network at ng Sparkle GMA Artist Center.

Tiyak na malaking pagtitipon ito dahil ipagdiriwang ng Kapuso Network ang kanilang ika-75 anibersaryo.

Naging kontrobersyal ang GMA Gala noong Hulyo 20, 2024, na ginanap sa Manila Marriott Manila sa Pasay City, dahil sa kaso umano ng pang-aabuso na kinasangkutan ng aktor na si Sandro Muhlach at ng former GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz.

Read: Sandro, "nakabawi" sa kinasuhan niyang independent contractors

Patuloy na dinidinig sa korte ang kaso ng rape through sexual assault na isinampa ni Sandro laban kina Nones at Cruz, pero hindi sila puwedeng magsalita dahil sa gag order sa kanila.

Malalim ang diumano’y trauma na idinulot kay Sandro ng karanasan ito noong nakaraang taon, kaya nang maglabas ng teaser ang Sparkle GMA Artist Center tungkol sa GMA Gala 2025, tinanong si Sandro ng Cabinet Files kung imbitado siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes po,” sagot ni Sandro nang makausap ng Cabinet Files ngayong Linggo, Mayo 25.

“Still deciding” ang kanyang sagot nang tanungin kung dadalo siya sa GMA Gala 2025.

Nang kumustahin ang kanyang kalagayan at ang mga pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan, ang sagot ni Sandro:“Okay naman po. Ang pinagkakaabalahan ko po right now is fiesta and motorcades."


Dagdag nito, “At kagabi po, runner-up ako sa Billiard League ni Kuya Rendon [Labador].”

Sandro Muhlach
Photo/s: @sandromuhlach Instagram sandro muhlach is runner-up in a billiard league.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANDRO NOW AN EMPLOYEE AT family's ENSAYMADA BUSINESS

Tauhan na rin si Sandro ng Muhlach Ensaymada, ang matagumpay na negosyo ng kanilang pamilya.

“Recently lang po, empleyado na rin ako ng Muhlach Ensaymada. Gift po sa akin ng Lolo Alex [Muhlach] ko," pagbabahagi niya.

Si Alex Muhlach ay ama ng daddy ni Sandro na si Niño Muhlach. Siya ay kapatid ng dating reyna ng pelikula na si Amalia Fuentes.

Dati itong aktor na nagtayo nung 1993 ng bakery business na tinawag na Supermelt. Nag-rebrand ito nung 1997 at naging Megamelt, na kalaunan ay naging Muhlach Ensaymada.

"I manage and make contents po para sa bakery namin.”

Hindi lamang ang pagiging empleyado ng family business at ang pagiging artista sa GMA-7 ang pinag-uukulan ni Sandro ng panahon. Hindi niya ihininto ang kanyang film course sa Meridian International Business, Arts and Technology College (MINT) sa Taguig City.

Film ang kurso ni Sandro mula pa noong 2023, dahil, ayon sa kanya, “Dream ko na mag-work abroad for films.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-iisang taon na mula nang magsampa ng reklamo si Sandro Muhlach dahil sa diumano'y nangyaring pang-aabuso sa kanya pagkatapos dumalo ng GMA Gala 2024. Ngayong taon, dadalo kaya uli siya?
PHOTO/S: @sandromuhlach Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results