PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Barretto-Gerald Anderson breakup rumor, fake news

Julia Barretto, maging regular co-host kaya ng Eat Bulaga?
by Jojo Gabinete
Published May 27, 2025
julia gerald instagram
Julia Barretto still follows boyfriend Gerald Anderson on Instagram, dismissing rumors that the two stars have broken up.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram

Tila nalagay sa alanganin ang kredibilidad ng isang online entertainment site—hindi ang PEP—na naglabas ng balita tungkol sa diumano’y nagwakas na relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil sa pagbura ng aktres sa social media accounts nito ng mga larawan nila ng aktor.

Kung sinuyod mabuti ng nagpakalat ng isyu ang Instagram account ni Julia, makikita nitong hindi burado ang mga litrato nila ni Gerald na magkasama.

At hanggang ngayon, sinusubaybayan pa rin ng dalawa ang social media accounts ng isa’t isa.

Read: Are Gerald Anderson and Julia Barretto still together?

julia gerald instagram
Photo/s: @juliabarretto on Instagram Gerald anderson and Julia Barretto living the life
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang hingin ng isang nagmamalasakit kay Julia ng paliwanag ang namamahala ng entertainment site sa source ng intrigang inilabas nito, kalakip ang mga screenshot ng mga larawan nina Julia at Gerald, ang sagot daw nito'y ginamit nilang batayan ang balitang inilabas ng isang tabloid.

Naiwasan sana ang isyu kung imbes na pinaniwalaan agad ang balitang inilabas ng isang tabloid, nakipag-ugnayan muna ang naglabas ng balita sa namamahala sa career ni Julia.

E, di sana nalaman nila ang buong kuwento at nakaiwas mabiktima ng fake news.

Read: Gerald Anderson on girlfriend Julia Barretto: "Let her enjoy."

JULIA BARRETTO AS EAT BULAGA! REGULAR CO-HOST?

On a lighter note, may panawagan sa producers ng Eat Bulaga! na gawin nang regular co-host si Julia sa longest-running noontime variety program ng bansa na ngayo'y napapanood sa TV5.

Nag-umpisa ang pagi-guest co-host ni Julia sa Eat Bulaga! nang magtanghal siya sa Cavite State University sa Indang, Cavite, noong Mayo 2, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagustuhan ng mga manonood ang partisipasyon niya rito.

Nang sumunod na linggo, muling napanood si Julia sa Eat Bulaga!, hanggang regular na siyang napapanood tuwing Biyernes at Sabado.

Read: Julia Barretto now focuses on growing her money, not just saving

julia barretto eat bulaga
Julia Barretto with Eat Bulaga! co-hosts (from left) Ian Red, Allan K, and Jose Manalo.
Photo/s: Eat Bulaga TVJ YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tunay na buhay, introvert at mahiyain si Julia, at nahalata ito sa mga unang araw niya sa Eat Bulaga!.

Pero habang tumatagal, nagiging komportable na siya at nakikipagsabayan nang makipagbiruan sa mga co-host ng programa.

Ang impromptung pagkanta niya sa isang hit song ni Adele sa "The Clones," ang popular segment ng Eat Bulaga!, ang isang pruwebang dahan-dahan nang nasasanay si Julia bilang co-host.

Napansin ito ng maraming loyal viewers ng noontime show kaya may panawagan sila sa management na gawin nang mainstay ang 28-year-old actress.

Pero mangyayari lamang ang kahilingan ng mga sumusuporta kay Julia kung hindi magkakaroon ng conflict sa oras ng Eat Bulaga! ang ibang showbiz commitments ng aktres.

Sa ngayon, tuwing Biyernes at Sabado lamang makikita sa noontime show ang aktres.

Read: TVJ: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto still follows boyfriend Gerald Anderson on Instagram, dismissing rumors that the two stars have broken up.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results