Opisyal na ipinakilala si Jayda bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency (VAA) sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao, Quezon City, ngayong Martes, Mayo 27, 2025.
Si Jayda ang nag-iisang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, na parehong nagbida rin sa mga pelikula ng Viva Films noong dekada ‘90.
Nagkaroon ng katuparan ang pagpirma ni Jayda sa VAA dahil sa pagsasanib-puwersa ng Viva Entertainment at ng Universal Music Group.
Read: Jayda Avanzado "biggest adult move" is buying a condo unit
Bilang contract star ng VAA, tiyak na hindi lamang pagkanta ang pagtutuunan ng pansin ni Jayda dahil magiging aktibo na uli siya sa pag-arte.
Pahayag ni Jayda: “Kung alam niyo lang guys, long time in the making ito — ever since, as far as I was nine years old, and now I’m turning 22.
“You know, the circumstances finally aligned, and this deal has been months in the making.
"Sobrang excited lang ako and I’m also excited to introduce myself.”
Si Jayda ay dating contract star ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
JAYDA ON SIGNING UP WITH VIVA
May mabilis na sagot si Jayda nang tanungin tungkol sa desisyon niyang pumirma ng kontrata sa talent management agency ng Viva Entertainment.
Saad niya: “Siyempre, lalayo pa ba tayo? Of course, yung field of expertise nila in both music and acting.
“I think I’m at a point din in my career where I’ve been so privileged to work with so many amazing people.
"And for this to finally come together siyempre dito sa Viva, I am really excited to learn. It’s just really exciting.”
May mga proyekto nang nakalinya para kay Jayda pero hindi pa nito isiniwalat ang malalaking plano ng VAA para sa kanya.
Aniya: “I can’t reveal too much pero talagang excited po ako sa mga adaptations po. Yung mga young adult series, mga Wattpad adaptations.”
Dumalo sa media conference para kay Jayda ang mga big boss ng Viva Entertainment — si Boss Vic del Rosario, ang mga anak nitong sina Vincent at Veronique, at apong si Verb.
Lubos itong ipinagpapasalamat ni Jayda.
Saad niya: “Honestly po, I feel nothing but gratitude, siyempre po lalo na narinig ko na Boss Vic doesn’t usually attend this kind of presscon.
"Ngayon pa lang, gusto kong magpasalamat sa tiwalang ibinibigay po ninyo sa akin.
"I wanna do my best to make you guys proud. I am just really honored and grateful."
Read: Jayda Avanzado, 21, says she is single "by choice"
BOSS VIC ON JAYDA
Sa mensahe naman ni Boss Vic, isiniwalat nitong noon pa man ay gusto na niyang maging contract star ng Viva Entertainment si Jayda.
“Welcome to Viva," pagbati muna ni Boss Vic kay Jayda.
“Matagal ko nang gusto si Jayda.
"Bata pa, nakita ko na siyang kumanta. I think, nakita ko siya, nine years old.
"Sabi ko sa magulang niya, sana pag nagdalaga, makuha namin.
"Pero I waited for twelve years bago mangyari ito, so excited kaming lahat.
“Twelve years in the making itong dream kong mahawakan [ang career ni Jayda] bago man lang ako mag-retire.
"E, alam mo naman pag magaling na singer, lalo na pag babae, e, maganda ang pakiramdam ko na tulungan. Tingin ko, madami kaming magagawa.
"I mean, like Sharon [Cuneta], like Donna Cruz, like Regine Velasquez and Sarah Geronimo."
Sina Sharon, Donna, Regine, at Sarah ang ilan sa pinakamalalaking singer-actress na hinawakan ng Viva.
Sabi pa ni Boss Vic: “I think Jayda will be a big star. Ang interes ng Viva sa kanya is beyond her voice.
"I feel and I say it, she probably will be a big multimedia star kaya kami nandito.
“We have plans of using Jayda as an actress, as a host, lahat-lahat na. And then probably, get her a lot of endorsement in the future.
"So, congrats, Jayda! The reason I’m here is because I believe in Jayda.”
Read: Jayda Avanzado takes to heart lessons from mom Jessa Zaragoza about body image