PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Opal Suchata: from Miss Universe runner-up to Miss World winner

Opal Suchata Chuangsri, nagbunga ang pagbibitiw bilang Miss Universe 2024 runner-up.
by Jojo Gabinete
Published Jun 1, 2025
opal suchata chuangsri miss world 2025
Opal Suchata Chuangsri of Thailand becomes the first Thai beauty queen to win the Miss World 2025 crown.
PHOTO/S: Instagram

Si Miss World Philippines 2025 Krishnah Gravidez ang naging mahigpit na kalaban ni Opal Suchata Chuangsri ng Thailand para sa Miss World Asia and Oceania continental title ng Miss World 2025.

Sa huli, ang Thai beauty queen ang nagwagi at siya ring nag-uwi ng korona at titulo ng prestigious international beauty pageant.

Read: Thailand wins Miss World 2025; Krishna Gravidez enters Top 8

krishnah opal miss world 2025
Krishnah Gravidez (left) of the Philippines and Opal Suchata Chuangsri (right) of Thailand during the Miss World 2025 pageant.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Opal ang reigning Miss Thailand.

Siya rin ang naging third runner-up sa Miss Universe 2024 na idinaos sa Mexico City, Mexico, noong Nobyembre 16, 2024.

Pero inalis siya sa puwesto nang tanggapin niya ang alok maging kinatawan ng Thailand sa 72nd Miss World na naganap sa Hyderabad, Telangana, India, nitong Sabado, Mayo 31, 2025.

OPAL SUCHATA CHUANGSRI'S MISS WORLD JOURNEY

Gumawa ng kasaysayan si Opal sa kanyang bansa bilang kauna-unahang Thai na nanalo ng korona at titulo ng Miss World.

Pero kumplikado ang kuwento ng kanyang tagumpay.

Ang TPN Global ang pumili kay Opal bilang official delegate ng Thailand sa Miss World 2025.

Nangyari ang sashing ceremony para sa kanya noong Abril 22, 2025.

Ang TPN Global ang dating namamahala sa Miss Universe Thailand sa loob ng anim na taon.

Pero noong Pebrero 2025, ipinagkaloob ng Miss Universe Organization kay Nawat Itsaragrisil ng Miss Grand International (MGI) Public Company Ltd. ang franchise license ng Miss Universe Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad na inalis ng Miss Universe Organization si Opal bilang third runner-up sa Miss Universe 2024 dahil lumabag umano siya sa kontrata nang tanggapin niya ang alok maging kinatawan ng Thailand sa Miss World 2025.

Read: FULL TRANSCRIPT: Miss World 2025 winning answer

View this post on Instagram

A post shared by TPN GLOBAL (@tpn.global)

Bahagi ng pahayag ng Miss Universe Organization: “Due to the breach of her contractual obligations by participating in an external pageant, this decision underscores our expectation that all winners fulfill their duties throughout their entire reign.”

Iginalang ni Opal ang desisyon, pero iginiit niyang wala siyang kontrata sa Miss Universe Organization.

Ngunit mananatili raw sa kanyang puso ang pagiging Miss Universe Thailand 2024 at third runner-up sa Miss Universe 2024.

Hindi nasayang ang pasya ni Opal na isugal ang kanyang Miss Universe Thailand title dahil siya ang naging 72nd Miss World ileholder.

Magaganap sa Agosto 23, 2025 ang 26th Miss Universe Thailand sa ilalim ng pamumuno ni Itsagrisil.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Itsaragrisil kung binawi na mula kay Opal ang Miss Universe Thailand 2024 title, at kung ito pa rin ang magsasalin ng korona sa kanyang successor o ang first runner-up na si Surisa Suzana Renaud

Inaabangan ng Thai beauty pageant fans ang kasagutan sa isyung ito dahil nga sa masalimuot na kuwento ng tagumpay ng newly crowned Miss World.

Read: Nawat Itsaragrisil is now Miss Universe executive director

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Opal Suchata Chuangsri of Thailand becomes the first Thai beauty queen to win the Miss World 2025 crown.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results