PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, kinausap ng network dahil sa pagka-prima donna

Aktres, muntik nang mawalan ng mga proyekto.
by Jojo Gabinete
Published Jun 1, 2025
blind item actress prima donna
PHOTO/S: Canva

Malaki na ang ipinagbago ng ugali ng aktres matapos matauhan nang kausapin ng management ng TV network tungkol sa kanyang “prima-donna” attitude na pinoproblema ng production staff.

May mga pagkakataong madalas nagrereklamo ang aktres dahil sa pakiramdam nitong siya ang may pinakamaraming obligasyon sa kanilang programa.

Nagagalit ang aktres tuwing ang mga eksena niya ang huling kinukunan, kahit may mga valid reason at paliwanag ang production staff.

Ang pagiging reklamador ng aktres at ang hindi maayos na pakikitungo nito sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ang muntik nang maging dahilan para palitan siya at mawalan ng mga proyekto.

Read: Pasaway na aktor, hindi na bibigyan ng proyekto ng TV network

CHANGED ATTITUDE

Nang kausapin ng management ang aktres, biglang nag-iba ang kanyang ugali dahil naging team player na siya at magiliw sa production staff na dati niyang sinusungitan.

Hindi na nagrereklamo ang aktres at hindi na nito kinukuwestIyon ang mga ipinagagawa sa kanya sa programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya na rin ang gumawa ng paraang mag-reach out sa production staff na nagtampo sa kanya.

Nakatulong ang pakikipag-usap ng network management sa aktres para mapagtanto niya ang mga pagkukulang at higit na pahalagahan ang kanyang trabaho.

Alam ng aktres na kapag inalis ito sa programa, mahihirapan siyang makahanap ng malilipatang TV station.

Tanggap din niya ang katotohanang matutulad siya sa ibang mga artistang naging pasaway at kumalat sa industriya ang hindi magandang reputasyon kaya hindi na nabibigyan ng mga proyekto.

Read: Showbiz personality, too close for comfort na sa TV personality

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results