Walang itinanggi o kinumpirma si Ara Mina tungkol sa balitang hiwalay na ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes at ang boyfriend nitong si Marco Gumabao.
“Kung ano ang alam ko, it stays with me, and I am not the right person [to say] kung ano ang real score," maingat na sabi ni Ara sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes ng hapon, June 2, 2025.
Read: Cristine Reyes, Marco Gumabao unfollow each other on Instagram
Saad pa ng aktres: “Si Cristine, she’s mature enough.
"Basta ang masasabi ko lang sa kanya, nandito lang kami, family, and wala na akong...
“You know what, what I appreciate kay Cristine, after election, she just texted me, ‘Ate, anong gagawin mo bukas? Dinner tayo.’
“So, yung mga simple things na ganoon, maybe, to comfort me."
Tumakbo si Ara bilang konsehal sa Second District ng Pasig City nitong nakaraang May 12, 2025 election, ngunit nabigo siyang mahalal.
Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?
ARA ON GIVING CRISTINE ADVICE
Ipinahayag din ni Ara ang kanyang suporta sa kapatid kung anuman ang pinagdadaanan nito ngayon.
Saad niya: "She knows naman na nandito ako for her, and I think she knows what she’s doing and nagko-confide din naman siya sa akin.
“Sinasabi ko kung anong opinyon ko.
"Pero ang sinasabi ko sa kanya, 'Ikaw pa rin ang magde-decide kung ano ang nasa puso mo. Basta kung saan ka masaya, nakasuporta kami ng family.'”
Masaya ring binanggit ni Ara na mas maganda ngayon ang relasyon ni Cristine sa kanilang pamilya dahil palagi na silang nagkakasama, at may kinalaman dito si Marco.
“Mas madalas na kaming magkakasama ngayon kesa dati. Mas naging close na kami, compared before.
“Naramdaman ko, she reaches out talaga sa family.
"I think malaking bagay, na-appreciate ko kay Marco, because Marco, naging malapit siya sa family namin.
“Kasi si Marco, he’s close to his family.
"May effect din yung partner sa isang tao. Maganda kasi huwag mong ilayo yung partner mo sa family niya,” sabi ni Ara.
Read: Ara Mina reveals why Cristine Reyes deactivated her IG account
ARA MINA ON CO-PARENTING WITH PATRICK MENESES
Ibinahagi rin ni Ara ang walang tensiyon at magandang relasyon niya kay Patrick Meneses, ang ama ng kanyang anak na si Mandy.
Ito ay sa kabila ng kasal na si Ara sa politician na si Dave Almarinez, na dati namang may asawa.
Lahad ni Ara: “Kailangan walang tension. Kapag kausap ko si Patrick, kahit nandiyan si Dave, ‘O, Patrick, pahatid ko na lang si Mandy.'
“Ganoon din si Dave, kapag kausap niya yung ex-wife niya. So, ganoon, very open.
“Co-parenting kami [ni Patrick]. Kapag meron kaming kailangan anuhin sa school, mag-uusap kami. Kunyari hindi ako puwede, ‘Can you attend?’
“Kailangan merong isa sa amin kasama ng anak. Minsan naman, sabay talaga kami kapag teacher-parent day.
“Sharing din kami [sa finances]. Like, sa driver, hati kami, sa driver ni Mandy.
“Tapos sa allowance naman, siyempre yung ibang needs ni Mandy, ako na. Sa tuition fee naman, sila.
“Kailangan may consultation. Yun ang ayaw ni Patrick, kapag hindi niya alam.”
Read: Patrick Meneses calls Ara Mina and Dave Almarinez "soulmates"