PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Morales, natapos ang passion project after seven years

Carlos Morales, naghahanap ng bortang dancers.
by Jojo Gabinete
Published Jun 4, 2025
carlos morales wild boys
Actor-director Carlos Morales returns to the Philipines for the premiere of his passion project, the movie Wild Boys.
PHOTO/S: @craig1576 on Instagram

Naririto ngayon sa Pilipinas ang U.S.-based actor na si Carlos Morales.

Dumalo siya sa red-carpet premiere ng Wild Boys na ginanap sa Cinema 3 ng Gateway Cineplex sa Araneta City, Cubao, Quezon City, ntong Martes ng gabi, Hunyo 3, 2025.

Si Carlos ang direktor ng Wild Boys na isang passion project niya mula pa noong Agosto 2018.

Makalipas ang pitong taon, natupad ang kanyang pangarap makagawa ng pelikulang inspired ng 2012 Hollywood movie na Magic Mike.

Read: Carlos Morales passes NCLEX at 47, fulfills dream of becoming a licensed nurse in U.S.

Bilang direktor, ginamit ni Carlos ang kanyang tunay na pangalan na Carl Woodruff Jr.

Hindi lang siya basta direktor sa Wild Boys dahil isa rin siya sa mga bida rito.

Kasama niya sa cast sina Nicco Locco, Arwind Santos, Kristof Garcia, Christian Ty, Rash Flores, Pedro Red, Jimboy Martin, Billy James, at ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
wild boys poster

CARLOS MORALES LOOKING FOR MUSCLED MALE DANCERS

Ang Wild Boys ay tungkol sa isang ageing macho dancer (Carlos) na mahal na mahal ang pagsasayaw at hindi pumayag maipasara ang naluluging bar na pinagtatrabahuan niya.

Sa tunay na buhay, mahusay sumayaw si Carlos dahil miyembro siya ng Exclusive Dancers noong hindi pa siya artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regular na nagsasayaw noon ang Exclusive Dancers sa defunct youth-oriented TV show na That’s Entertainment.

Muling ipinamalas ni Carlos ang galing sa pag-indak bago nagsimula ang screening ng Wild Boys.

carlos morales wild boys
Carlos Morales shows his dancing skills at the premiere of his movie Wild Boys.
Photo/s: Jojo Gabinete

Inanunsiyo rin niya ang planong magtatag ng all-male dance group kaya naghahanap siya ng mga kalalakihang maskuladong may taas na hindi bababa sa 5’10.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dapat kumakanta, 5’10" ang height, may ripped body, at magaling sumayaw,” sabi ni Carlos.

Read: Carlos Morales, naghahanap ng aspiring actors para sa Magic Mike-inspired movie

Kasado na rin ang balak ni Carlos na magbukas ng podcast sa susunod na linggo.

Wild Nights ang pamagat ng podcast, at marami na ang nagpapadala kay Carlos ng sulat na ikinukuwento ang kanilang mga "sexperience."

Ang karanasan ng isang security guard, masahista, at gym instructor ang ilan sa mga kuwentong mapapanood sa Wild Nights podcast project ni Carlos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Carlos Morales returns to the Philipines for the premiere of his passion project, the movie Wild Boys.
PHOTO/S: @craig1576 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results