Aktibo muli si Luis Manzano sa showbiz matapos mabigong mahalal bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Batangas noong Mayo 12, 2025.
Magsisimula na ang kanyang taping para sa game show ng Kapamilya Channel na Rainbow Rumble sa Hunyo 10.
Si Luis ang host ng programang nag-umpisang mapanood sa telebisyon noong Hulyo 20, 2024, at pansamantalang nagpaalam noong Marso 23, 2025, dahil naging abala sa pangangampanya ang TV host-actor.
Read: Luis, Sam, at Cynthia tinanggap ang pagkatalo sa 2025 elections
THREE GAME SHOWS FOR LUIS MANZANO
Sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, hindi lamang ang Rainbow Rumble ang proyekto ni Luis.
Nakalinya rin para sa kanya ang Minute to Win It at ang Deal or No Deal.
Tatlong araw matapos ang eleksyon, tinanong ni Luis ang kanyang social media followers sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Mayo 15: “Ano ang mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble, Deal or No Deal or Minute to Win It?”
Pero hindi pumasok sa isip ng publiko na siya ang host ng mga nabanggit na programa.
Mauunang ipalabas sa telebisyon ngayong Hunyo ang Rainbow Rumble na ipinakikita na ang teaser plug.
Hindi man pinalad ngayon sa pangarap umupo sa pamunuan ng lalawigan ng Batangas, matagumpay naman si Luis bilang entertainment personality.
Bukod sa tatlong programa sa home studio niya, tatlo rin ang pumasok na product endorsements para kay Luis.
Nakapag-shoot na si Luis para sa isa sa kanyang tatlong bagong product endorsements, na hindi pa maaaring sabihin ang brand pero hudyat ng muling pagiging visible at aktibo niya sa telebisyon.
Read: Luis Manzano teases return to hosting after election loss