Opisyal na ipinakilala si Dylan Menor bilang isa sa mga bida ng Mission Impossible: Seducing Drake Palma, ngayong Huwebes, Hunyo 5, 2025.
Ang Seducing Drake Palma ay ang Viva One series na mapapanood simula sa Hunyo 15. Kasama niya sa cast sina Rabin Angeles at Angela Muji.
Si Dylan ay dating contract star ng GMA Artist Center. Una siyang napanood sa Maka, ang teen drama series ng Kapuso Network.
Pero noong Enero 2025, marami ang nagulat sa kanyang biglang paglipat sa TV5 at pagpirma sa Media Quest Artists Agency, ang talent agency ng Kapatid Network.
Read: MAKA young stars, na-intimidate kay Romnick Sarmenta
DYLAN'S BIGGEST PROJECT TO DATE
Sa ginanap ng media conference ng Seducing Drake Plama, inilahad ni Dylan na ang Seducing Drake Palma ang pinakamalaking proyekto niya.
“I feel very excited and I feel very honored kasi sa dami-dami ng tao na puwedeng piliin for this project and for this role, they trusted me, they believed in me.
“And I am very thankful, of course, sa Viva and sa TV5 po for giving me this opportunity.
"So, siyempre it’s my obligation to always do my best and give my best always," saad ni Dylan nang humarap siya sa mga miyembro ng entertainment media.
Paano siya napasama sa cast ng Seducing Drake Palma?
Lahad niya: “It was one evening, I got a call from one of the bosses ng TV5 and I believe they pitched and they requested me for this role.
“Nung nalaman ko, sobrang nagulat po ako kasi dati po, puro mga small role lang ang nakukuha ko.
"And now na medyo lead, sobrang saya ko po and I will make sure to give my best po.”
Read: Dylan Menor, sumailalim ng acting workshop kay Rahyan Carlos
View this post on Instagram
DYLAN MENOR AS TRIPP PALMA
Tripp Palma ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Dylan sa Seducing Drake Palma, ang unang serye niya sa Viva One.
Ayon kay Dylan, pareho silang sobrang mapagmahal ng karakter na ginagampanan niya.
“Si Tripp Palma kasi grabe din siyang magmahal, as in sobra.
"Quiet lang pero buo siyang magmahal and umaabot sa point na kahit hindi siya mahal o hindi nare-reciprocate yung love sa kanya, mamahalin niya kasi mahal niya yung tao.
“Since may experiences din ako siguro before na ganoon, ma-apply ko sa sarili ko na, sometimes, okay siguro na mahalin ko ang sarili ko o unahin ko ang sarili ko,” saad niya.
Naging kumportable raw agad si Dylan sa kanyang mga co-star na sina Rabin Angeles at Angela Muji sa unang araw ng taping nila.
“On and off-cam po, masaya po silang kasama. Makukulit po and very warm, very welcoming po silang lahat.”
Nakatanggap din ng mga papuri si Dylan mula kay Crisanto Aquino, ang direktor ng Seducing Drake Palma.
Sabi ni Direk Crisanto tungkol kay Dylan: “Nung look test pa lang, nakita ko na ang pleasant ng personality niya.
“Approachable siya, lagi siyang naka-smile, nakikipag-usap siya.
"Nung shoot na namin, during lunch break, tumabi siya sa amin. Sign kasi yun na approachable yung tao. Sila yung lumalapit sa staff."
Read: Rabin Angeles, title role sa series na Seducing Drake Palma