PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Davao, binigyang-pugay sa presscon ng huling serye niya

Ricky Davao, may special participation sa Kapuso megaserye Sang'gre.
by Jojo Gabinete
Published Jun 8, 2025
Ricky Davao, binigyang-pugay sa Sang'gre media conference.
Ricky Davao, inalala ng mga katrabaho sa industriya sa presscon ng Kapuso megaserye na Sang'gre.
PHOTO/S: Ricky Davao Instagram / Jojo Gabinete

Nabahiran ng kalungkutan ang engrande na media conference ng Encantadia Chronicles: Sang’gre! na naganap nitong Linggo ng hapon, Hunyo 8, 2025, sa Studio 6 ng GMA Network Inc.

Read: Ricky Davao dies at 63

Ito ay nang ipakita ang pinalakpakan na mga eksena ni Ricky Davao na pumanaw noong Mayo 1 sa edad na 63.

Mapapanood ang Sang’gre sa GMA-7 simula sa Hunyo 16, at ito ang huling proyekto ni Ricky sa telebisyon bago siya binawian ng buhay.

Ginagampanan ni Ricky ang karakter ni Governor Emil Salvador, at natatanging pagganap ang pagpapakilala sa kanya sa media conference ng Sang’gre.

Isang taimtim na panalangin para kay Ricky ang hiniling sa lahat ng program host na si Anjo Pertierra.

Kaya binalot ng katahimikan ang pinagdausan ng presscon ng Sang’gre na isa sa mga 75th anniversary presentation ng Kapuso Network.

Read: A tearful Jackie Lou Blanco says she had "closure" with Ricky Davao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sang'gre lead stars

Ipinakilala sina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva bilang mga pangunahing bida ng Sang’gre.

Taos-puso ang pasasalamat ng apat sa GMA-7 management dahil sa malaking proyektong ipinagkatiwala sa kanila.

May dahilan para makaramdam ng pagmamalaki sina Bianca, Angel, Kelvin, at Faith dahil kitang-kita sa ipinalabas na trailer ng Sang’gre na ginastusan ito ng kanilang home studio kaya isang karangalan na mapabilang rito.

Si Rhian Ramos ang gumaganap na kontrabida sa Sang’gre at Mitena ang kanyang pangalan.

Base sa mga eksena ni Rhian sa trailer ng Sang’gre, mapaghamon ang katauhan na kanyang binigyang-buhay at hindi maipagkakaila na importante sa kuwento ang kanyang karakter na buong husay niyang ginampanan.

Read: Bea Alonzo spotted with mom of rumored beau Vincent Co

SANG'GRES FROM ENCANTADIA 2016

Dumalo sa media conference ng Sang’gre sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez bilang Pirena, Alena, at Danaya, respectively, pero wala si Kylie Padilla kaya hindi kumpleto ang mga bida sa 2016 remake ng Encantadia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula sa direksyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams ang Sang’gre, samantalang kasama sa cast sina Manilyn Reynes, Buboy Garovillo, Sherilyn Reyes-Tan, Martin del Rosario, Vince Maristela, Mikee Quintos, Kate Valdez, Luis Hontiveros, Bianca Manalo, Therese Malvar, Gabby Eigenmann, at Solenn Heussaff.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Davao, inalala ng mga katrabaho sa industriya sa presscon ng Kapuso megaserye na Sang'gre.
PHOTO/S: Ricky Davao Instagram / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results